81. Bakit ako pa?

6 2 0
                                    

“Bakit ako pa?”

Sa dinarami-rami bakit ako pa?
Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan ko maranasan ang sakit.
Sa bawat araw pilit kong inaalis ang lahat ng aking mga hinanakit.
Masaya ka na ba?

Sa bawat araw na magdaraan,
tila ako'y nahihirapan.
Ating mga alaala ay palaging nagbabalik,
para na nga akong may saltik.

Alam ko naman na mapaglaro ang pag-ibig,
oo, para ikaw na aking mangingibig.
Sa una lang pala ang saya
dahil walang dulo lahat ay pansamantala,diba?

Kahit masakit aking tatanggapin
kahit ako na ang masaktan sa atin.
Alam ko naman kung bakit,
dahil ayaw mo na sa akin.
Salamat na lang, kahit sa huli
naramdaman kong ako rin
ang naging mundo mo.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon