22.Imahe

34 2 0
                                    

Imahe

Kariktan sa alapaap ang nadarama,
parang kang bituin na kay hirap abutin–makuha.
Iniisip ang iyong kabuuan
at ano nga ba ang iyong kaanyuan?
Bumabase sa boses mong kakaiba
at sa aking puso hinahayaan ngalan mo ang manatili at bumuo ng mga alaala.
Sino ka nga ba talaga?
Ano nga ba ang iyong kabuuan, sinta?
Litrato mo'y pinagkait
Ang akin, ika'y ba'y pangit?
Hindi naman iyan ang basehan ko, tanging nais ko ika'y magpakatotoo.
Ilahad mo kung sino ka at ang iyong pagkatao.
Sapagkat, matagal ng nabuo sa isip ang ganda ng iyong imahe
tila kakaibang hatid ay kamangha-manghang sable.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now