70. Pagpili sa dapat

15 1 0
                                    

"Pagpili sa dapat"

Kung ako'y muling iibig,
hindi na sayo na mahilig sa himig.
Kikilanin muna bago magbitiw
bago tuluyang sa salita't kilos ng iba maaliw.

Hindi na muling magmamadali,
baka masaktan pa ang puso kung sakali
isip na dapat ang manguna
kasunod ng pusong hindi na magpapadala.

Hindi na sayo magpapatala,
para hindi na maging tanga
Ako'y mag-iingat
para maiwasan ang mga sakit na nagmarka't lamat.

Pipiliin ang nararapat
at hindi na magkakapatanga sa taong hindi naman kayang maging tapat.

***



100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now