12.Oras

43 5 1
                                    

ORAS

Alas-siyete nang umaga,
Nagising sa matinding sikat ng araw at mensahe mo agad ang aking nakuha.

Matamis mong salita agad ang nasilayan
Ganito mo ba ko pahalagahan?

Nakakakilig at nakakabaliw
Oras mo nga'y sapat na para ako ay bigyang aliw.

Hindi ko kailangan ng anumang tsokolate o bulaklak,
dahil ayokong sa huli ika'y tatalak.

Nanaisin ko ang panahon at oras
Katumbas ito ng tapat para sa'kin na ika'y bumabalangkas.

Magandang puntos ang nilalahad mo,
simple man pero tunay at buo ang pagsintang inaalay mo.

***


100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon