32. Luha

17 1 0
                                    

Luha

Batisan ay nag-uumapaw,
sapagkat puso'y iyong napukaw.
Namaga itong mga mata,
wala man lang handang makinig sa aking mga lathala.

Damdamin talaga'y mapanlinlang,
palagi akong nadadala sa kung saan,nakakapanghina lang.
Unan ko laging basa,
siya lang naman ang sumasalo sa pighating dinala mo, sinta.

Kaya't hahayaan na lamang mapagod itong pusong sawi,
iyong pinasaya saglit at iiwan mo na lang nang walang pasubali.
LUHA ko'y kakaiba,
lungkot man sa una ngunit ang dulo ay saya.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon