59. Huling Alaala

15 1 0
                                    

Huling Alaala

Nagsimula sa hi,
at nauwi sa I like you.
Madalas ng mag-uusap,
kahit ang korny ng mga banatan, patuloy pa rin dahil ligaya ang nalalasap.

Mga bagay na kahit simple,
ikaw lang palagi ang nagiging dahilan ng mga ngiti
kahit aaminin kong anong koneksyon ng sinasabi mo?
At ang huli, ikaw lang ay may kakaibang linyahan na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Kakaiba talaga ang pagkatao mo,
nakakamangha at aaminin kong ika'y aking idolo.
Ngunit lahat ng ito'y mga alaala na lamang,
dahil wala na at nagkalimutan na.

Ika'y nagbago na
hindi na gaya na masaya pa tayong dalawa
dahil tapos na ang ating kwento
at wala ng tayo.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon