72. Noon sa Ngayon

23 2 0
                                    

“Noon sa Ngayon”

Hindi matatawaran ang ating kasiyahan noon,
naalala mo pa ba ang mga pagkakataon na tayo'y nagtatalo dahil sa ganito't ganyan?
oo! yung dahil wala tayo'y oras at abala na masyado
pero aminin natin na namiss lang natin ang isa't-isa, kaya nauuwi sa pagtatalo.

Sa kabila ng lahat ng ating mga pinagdaanan ako'y natuto,
napagtanto hindi madali ang umibig nang ganito
malayo ka, kaya't taglay sa ating ang hindi masyadong nagkakaunawaan
kaya ngayon nauwi tayo sa hiwalayan.

Ngayon, ito'y mga alaala na lamang
hindi na tayo tulad ng dati
dahil tapos na hindi na ako dahilan na 'yong ngiti.
Iba na kasi ang gusto mo at hindi ako iyon.

Nagkamali ako, hindi! Nagkamali tayo.
Kaya ngayon wala na —
Naglaho at nagbago.
Lahat ng ito'y parte na lamang ng ating nakaraan,
kung magtagpo man sa kasalukuyan, sana'y malaman mong masaya ako dahil hanggang sa huli ikaw pa rin,sinta.

O sinta, pakiusap ayoko na palang manatili sa noon,
hayaan mong tanggapin ko ang katotohanan na wala na tayo
hindi na kasi maibabalik pa iyon,
sapagkat nagbago na nga ang mayroon tayo, iyon ang WALA NA TAYO NGAYON.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now