78. Kundiman

14 2 0
                                    

"Kundiman"

Ang pag-ibig ay talagang tunay na misteryo,
akalain mo nagkakilala't nagtagpo pero matatapos din ang tayó.
Masaya naman ako dahil tayo'y nagkakilala
kahit sandali nakabuo ng masasayang alaala.

Mahirap man ngunit salamat
dahil natutunan ko rin ang lahat
Natutunan ko pahalagahan aking sarili
at isipin na ako'y hindi lang isang binibi.
Binibini na dapat ingatan at ibiging tunay.

Kaya't hindi na ako magtataka pa,
sapagkat alam kong may dahilan din kung bakit ka nawala.
Pagsubok sa atin ay kakaiba
at ito nga ay resulta pag-iibigan natin ay natapos ng maaga.

Kung hindi man tayo hanggang dulo
huwag mo sanang isipin na ako'y naglaho
sadyang mundo natin ay nagbago
at ang mayroon tayo noon ay hindi na mangyayari pa dahil wala ng tayo.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon