56.Ikaw pa rin

11 1 0
                                    

Ikaw pa rin

Sa gabing ako'y nagigising,
dahil sa ingay ng mga lasing
ikaw pa rin aking dinadaing
na sana'y magbalik muli sa akin.

Ngunit kahit mawala na ang buwan,
at palitan ng liwanag ang dilim sa kalangitan
hindi na magbabago pa ang mayroon tayo
dahil matagal ng natapos ang salitang TAYO.

Kahit humagulgol at isigaw pa iyong ngalan,
wala ng babalik dahil alaala na lamang ito ng ating nakaraan.
Wakas na ang ating istorya,
at natuldokan na ang masasayang yugto ng ating pagmamahalan,
Tapos na nga!

Kahit lumuha pa ako nang lumuha,
at isigaw ko sa mundo na MAHAL KITA
ano pa bang saysay ng aking mga wika?
Hindi na rin naman magiging tayo dahil may iba ka na.

Hanggang dito na lang aking lathala,
Ikaw pa rin naman sa huli kong katha.
Mahal kita pakitandaan,
ikaw lang hanggang sa dulo ng walang hanggan.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon