77. Marka Mo

14 2 0
                                    

"Marka Mo"

Panahon na sana para kalimutan ka,
ngunit itong puso ko'y nanatili pa rin sa'yong mga alaala.
Patuloy pa rin ang pagpapakawala ko ng batisan sa aking kama,
dahil ika'y nanatili pa rin sa'king isipan't mata.

Hanggang kailan ba ako magdurusa?
Hindi naman na kita kasama pa.
Subalit para akong ikinulong sa nakaraan,
nakagapos at hindi alam kung paano babalik sa kasalukuyan.

Tila hindi sapat ang oras para ako'y magising sa katangahan,
patuloy ang pag-ikot nito na para bang walang katapusan.

Kahit saan ako tumingin marka mo'y nasisilayan at nadarama.
Nakakainis na dahil ako'y nasasaktan muli,taman na!

Hayaan mo sa markang iniwan mo,
ibabalik ko sayo ang mga ito.
Sa paraang nararapat,
yung mararamdaman mong ika'y hindi  karapat-dapat.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now