82. Natulala sa Tula

7 1 0
                                    

“Natulala sa Tula”

Magdamag na nakatunganga
hindi alam ang maaaring isagawa.
Ngunit ika'y dumaan sa isipan
at ginagambal na naman ako mula sa katahimikan.

Sandaling nanahimik,
at tumipa muli.
Ikaw ang naisip na paksa,
kahit dito na lang sa'king tula.

Batid kong wala na,
ngunit nais kong ilathala
upang wakasan na ang mga alaala
at hindi na muling magambala.

Sa mga letrang bibitawan ko,
ang siyang kirot dito sa puso ko.
Kailan ba ito maghihilom?
At kailan ko mararanasan ang totoong kalayaan, nakakapagod.

Kaya't ito na sana ang huli,
at 'wag na sanang maulit pang muli.
Salamat sa lahat,
mahalaga natuto tayong dalawa.


***


100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now