7.Pagsintang Minadali

53 10 1
                                    

Pagsintang Minadali

Nakilala ka sa kalaunan
Taglay ang kakaiba nakaugalian.

Masyado kang seryoso
Kaya akala maingat at nagpakatino.

Palabiro man aking mga lahad
Subalit, Ikaw talaga aking hangad.

Ano bang mayroon ka?
Tila, kakaiba at nais na kitang makuha.

O' ginoo, nais pa kitang makilala.
Ngunit sa patibong mo'y ako'y nadala.

Pagsinta nga ba ang nais?
At tila galawan mo'y mabangis.

Minahal na yata kita,
Nararamdaman mo ba sinta?

Nagkatuluyan na nga tayo.
Sapagkat bumuo ka na ng mga pangako.

Ngunit, manhid ako at ika'y nag-iba.
Sandaling nag-isip at nag-alala.

Tunay ba lahat na yung mga suliraninn?
Maniniwala ba ako sa'yong mga hain?

Buwan ang lumipas,

At tila sa takdang oras ng usapan ika'y lumagpas

Mahal mo pa ba ako?
O'hahayaan mo muli akong mag-isa dito?

Nakita kita kasama niya.
Ano iyon? Bago mo  at talagang kaibigan ko pa?

Salamat sa pagsinta,

Minahal mo nga ako pero puso mo ay nasa kan'ya.
—Kaya narito nagluluksa!


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now