52.Lungkot na Nadarama

17 1 0
                                    

Lungkot na Nadarama

Sa aking himlayan,
aking nasilayan iyong mensahe at larawan.
Napangiti nang bahagya at inaalala ang bawat araw na tayo pa,
mga araw na masasaya at tayong lang dalawa.

Mga araw na sana'y tumigil na lang ang ikot ng mundo,
yung tipong ikaw at ako lang at walang katapusan-Walang magbabago.
Subalit, nawala ang ngiti sa labi
at malungkot na awra ang naihabi.

Gusto ko ng tigilan ang pagpapantasya sayo,
yung tipong sana wala na ka na dito sa puso ko
Tipong masaya na ako kahit walang tayo
dahil ayoko ng lumuha na ikaw naman lagi ang dahilan at pinupunto-nakakaloko!

Umagos ang ilog sa'king mata,
kumawala ang walang tigil na pagdaing at masasakit na katha
tila natusok na naman ako ng palaso ni kupido
at tumagos sa likod at pilit na ikaw pa rin ang ginugusto;
Mali na nga kasi 'to!

Sana'y mapawi na ang sakit,
tama na 'yong pananakit
gusto na kitang iwaglit
at tuluyan ng mawala lahat ng aking mga hinanakit.

Ayoko ng malungkot,
ayoko ng malugmok sa sakit at sayo muli masangkot.
Sapat ng tayo'y nagkatagpo
kahit hindi man lang natamasa ang dulo atleast naranasan ko ang maging tayo.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Kde žijí příběhy. Začni objevovat