88.Bulong ng isip

11 1 0
                                    

“Bulong ng Isip”

Gabi-gabi ako'y nagigising,
mula sa aking mahimbing na pagtulog tila ako'y nabibingi.
Napapaisip ng kung ano-ano,
lumuluha nang biglaan dahil sa mga bulong na 'di malaman kung ano ang mga punto.

Mga salita't pangungusap na mula sa nakaraan,
tila mga tanong na naghahanap ng mga kasagutan.
Bakit ba kailangan ko pang danasin ito?
Alam ko naman na ikaw lang naman ang dahilan ng mga 'to!

Kaya tanging pagtawag sa Ama aking naging aksyon,
na sana'y tuldukan na kung anuman ang ating mga ugnayan.
Ayoko nang maalala pa ang ating kasawian,
ngunit salamat sa memorya nagbigay sa akin ng mga aral.

Salamat sa pagmamahal
at salamat sayo.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon