19.Pag-awit ko

32 3 0
                                    

PAG-AWIT KO

Talento'y minungkahi sayo
Sapagkat, nais kong iparinig ang magandang tinig ko kahit ika'y malayo.
Hindi man ganoon kahusay ang aking pag-awit
ngunit ito'y tulad ng isang anghel na mula sa langit.

Sinimulan kong bumigkas kasabay ng mga tono sa liriko
Dinamdam, nagpatuloy at batid kong nagustuhan mo.
Inawit ko ating paborito
At tanging ikaw lang ang siyang naiisip ko.

Sa bawat pantig tila puso ko'y anong lakas ang tibok,
tila ako'y napapasubok
O'sinta himig ko'y pakinggan
sapagkat ito'y handog ko at ikaw ang tanging dahilan.

Tandaan mo, ikaw ang una
kahit magbago man ang lahat-ikaw lang sinta
Kahit sa huli,
itatala ko pa rin sa ’king musika ang pagmamahal ko sayo-
'di ito mababali.
hanggang sa huli ako'y sayo at ito ay mananatili.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now