91. Simula muli

9 1 0
                                    

“Simula muli”

Panibagong araw,
at ito'y isang tanglaw para sa'kin.
Susubok muli sa'king katauhan
at sana'y huwag nang magbalik sa'kin ang nakaraan.

Sa lahat ng aking mga naranasan,
napagtanto ko na lahat din ay aking matutuhan.
Sa una'y mahirap,
ngunit sa huli malalaman mo ang dapat.

Ang pag-ibig ay tunay na ligaya,
kakaibang saya kapag natamasa.
Subalit ito'y limitado,
hindi lahat ng pagkakataon sayo ang ikot ng mundo.

Kaya't narito ako tumitindig,
aking dadamahin ang kahapon nating mga himig.
Karanasan na nagbukas sa'kin sa reyalidad.
Sapagkat kailangan unahin muna ating mga responsibilidad.

Pag-ibig ay nariyan lamang,
kailangan lamang tayo'y handa.
Huwag tataya kung tingin ito'y laro,
baka kasi sa huli ikaw lang ang laging talo.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon