40. Tiwala sa isa't isa

15 1 0
                                    

Tiwala sa isa't isa

Sa relasyon ito ang mas angat,
ngunit ang pagdududa ang kasalungat.
Kapag mahal mo, dapat nagtitiwala ka,
hindi lang sa salita kundi sa gawa.
Kayo ang dapat laging mag-uusap,
hindi palaging sa ibang balita ka pa maghahanap.
Ito ang pinaka pundasyon,
bala para sa maayos na komunikasyon.
Kabilaan man ang mga balakid,
at sabayan pa ng mga chismosa sa paligid.
Tiwala sa isa't-isa ating kailangan,
upang mas tumibay itong wagas na pagmamahalan.

Huwag hayaan mawala ito,
dahil kalakip nito ang gulo at pagtanggap ng mga maling kuwento.
Kaya't subukan panatilihin at pagtibayin
upang mas maging makabuluhan at walang sakitan na mamagitan sa ating dalawa.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon