Epilogue

631 53 18
                                    

If you really love someone, you will wait each other until that day comes. Ang araw kung saan pwede na ang lahat at maayos na ang lahat.

Sa nangyari sa buhay ni Talya ay hindi naging madali ang lahat. Simula pagkabata niya, marami na siyang paghihirap na naranasan pero mas tumindi ang paghihirap na iyon nang makilala niya si Oddy.

Noong una, kinaiinisan niya ang lalaki dahil sa ugaling meron ito. Ngunit hindi niya alam na paunti-unting tumibok ang puso niya para dito. Sa totoo lang, masarap magmahal. Masarap magmahal kung makakaya niyong kontrolin ang inyong mga sarili. Masarap magmahal lalo na kung kaya niyo ng i-handle ang relasyong mayroon kayo.

Kaya nga siya naghihintay ng tamang panahon at alam niya na darating din ang araw na iyon.

"How's the flower shop, Caoilfhoinn?" Tanong ni Kylo habang naghihiwa ito ng steak.

Nasa isa silang restaurant kasama sina Gray, Cevin at ang iba pa niyang kamag-anak sa inang namayapa. Sa apat na taon niya sa Britain ay nakasundo na rin niya ang mga ito at masaya siya dahil nagagawa niya na ring makipag-bonding sa mga pinsan niyang kasing edad niya lamang.

"It's fine, tay. I helped Shaira decorate the flowers." Sagot niya at tumingin sa gawi ni Shaira na ikinangiti nito.

"Oh? You can now decorate on your own, Talya?" Tanong ni Shaina, ang ina ni Shaira at kapatid ng namayapa niyang inang si Cresha.

Natawa siya ng mahina. Naalala niya tuloy noong unang nag-ayos siya ng bulaklak, kulang na lang ay madurog na niya ang bulaklak dahil iniwan siyang mag-isa ni Shaira. Wala naman kasi siyang alam noon kahit na madali lang naman pala.

"That's it?" Masungit na singit naman ng isa pa niyang tiyahing si Kina. Ito ang bunso sa magkakapatid. Wala pa itong asawa ngunit may nobyo na.

Syempre hindi naman lahat sa kaniyang kamag-anak ay makakasundo niya. Meron talagang mga taong ayaw sa kaniya.

"Kina..." Bantang pagtawag naman ni George dito. Ang panganay at siyang nag-iisang lalaki sa magkakapatid.

Pumalakpak ng isang beses si Nona, anak ng tiyuhin niyang si George. "Talya's graduation is now coming! Right, Talya?"

Tumingin muna siya sa kaniyang tiyahing si Kina, na umismid lang sa kaniya, bago niya tignan si Nona. "Yes, that is about three months from now."

"That's good to hear." Ani Gray na nagpunas ng bibig dahil tapos na itong kumain.

"Uhm..." Biglang sabi niya kaya't hinintay pa ng mga ito ang karugtong na sasabihin niya. "A-and I'm planning to go back to the Philippines."

Natahimik ang lahat at biglang napakunot ang noo maliban kay Gray, Kylo at Cevin dahil alam na ng mga ito ang rason niya kung bakit. Kinakabahan lang talaga siya sa magiging reaksyon ng mga tiyahin at tiyuhin niya.

Tumikhim si Kina at napangiti. "Great! Leave and give us piece!"

"Kina!" Saway ni George at pinanlakihan ng mata ang kapatid. "Why do you want to leave our country, Talya? You don't wanna be with us?"

Maliit siyang ngumiti. "Uhm..."

"Gosh! Let her be, George!" Pairap na sabi ni Kina.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now