Chapter Twenty-Six

442 37 0
                                    


VLADIMIR'S PARADISE

Hindi maiwasang mapanganga ni Talya nang makita ang tarangkahan ng Paradise. Literal na paradise talaga dahil mula sa gate pa lang ay makikita na ang magandang tanawin.

Nang makapasok sila ay ini-park na muna ang motorsiklo ni Oddy. Oo, motorsiklo. Pinilit siya nitong sumakay sa motor kahit na hindi siya sanay. Halos umalis na ang kaluluwa sa katawan niya sa bilis nitong magpatakbo ngunit bumalik din kalaunan nang makita ang magandang tarangkahan.

Ang sahig ay madamo na maaaring upuan kahit saan. Maraming mga bulaklak sa paligid at magagandang disenyo. Marami ring taong mga nagpi-picnic at mga batang nagtatakbukhan, dahil maganda ang sikat ng araw ay nagpapalipad ang mga ito ng saranggola.

"Cut your tongue?" Ngising saad ni Oddy na nakapamulsa.

May suot itong puting t-shirt sa loob at leather jacket sa labas na tinernuhan ng jeans at leather shoes, may panyong itim ito na nasa noo na natatakpan ng buhok nito. Nagmukha itong bad boy sa suot nito.

Lumampas ang tingin niya sa likuran nito. Napaawang pa lalo ang labi niya nang makita ang isang malaking gusali na may dalawang palapag lamang. Gawa ito sa bato, sa kaliwang gilid ay salamin ang bahagi kung saan nakikita ang mga taong kumakain, sa kanang bahagi naman ay tila pahingahan na tumatanaw sa kabundukan.

Hinawakan niya bigla ang kamay ni Oddy na ikinagulat nito. Naramdaman din kaya nito ang kuryenteng nararamdaman niya?

"Where are we going?"

Ininguso niya ang gusaling iyon. "Pasok tayo doon!" Excited niyang saad.

Hinatak niya si Oddy papasok. Bungad pa lang ay makikita na ang mga sculpture na nakatayo, may sirena, fairy, princess na madalas makikita sa disney princesses, may mga lalaki rin na mga partners ng mga prinsesa.

"Wow!" Manghang sigaw niya nang makapasok pa sa kalooban niyon.

Maraming mga paintings na nakasabit. Tila nasa isa siyang exhibition ng mga pintor sa dami niyon. May malalaki, maliliit, at iba pa! First time niya lang makakita mg ganito!

Hinatak niya si Oddy sa isang painting. "Hala kawawa naman, bakit siya umiiyak?" Tanong niya sa sarili.

Kumunot ang noo ni Oddy. "Y-you saw it too?" Tila hindi makapaniwalang saad nito.

"Ha?" Parang tanga niyang sagot dito.

Ang painting kasi na iyon ay may dalawang taong naghahalikan. Halos sakop na actually ang buong painting pero kung titignan ng maigi, may isang tao sa gilid ng painting na sobrang liit lamang. As in sobra dahil kung normal mo lamang na titignan ay hindi mo makikita. Sa painting ay may luha itong makikita sa ibaba ng mata nito na aakalain namang pawis lang.

"You saw the man crying, right?" Muling tanong ni Oddy at tinignan ang painting.

Napanguso naman siya. "Oo naman no! Bulag lang ang hindi makakakita sa kaniya!" Paingos niyang saad.

Napangiti ng lihim si Oddy at tinapunan siya saglit ng tingin bago muling nag-iwas. "Do you know why he's crying?"

Napaingos siya. "Obviouvus na kaya! Umiiyak siya dahil yung mahal niyang babae ay may kahalikang iba!"

Ngumisi si Oddy. "You're partly right and partly wrong."

Pinag-krus niya ang braso habang nakataas ang kilay na nilingon ito ngunit hindi man lang ito lumingon pabalik. "May pa-party-party ka pa eh tama naman ako! Eme-eme ka lang eh!"

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Oddy, sumulyap sa kaniya at ibinalik ag tingin sa painting. "If you'll look closer, you'll see his eyes."

Sinunod niya ang sinabi nito. Pinagmasdan niyang mabuti ang mata ng lalaki saka siya napasinghap. "Bakla siya?!" Napalakas na tanong niya kaya't napatingin ang mga tao sa kaniga.

Stupid SpecieNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ