Chapter Fourty-Three

401 40 11
                                    


Gabi na at hindi pa rin makatulog si Talya. Maraming bumabagabag sa kaniyang isip ngunit ang mas nangunguna sa mga iyon ay ang pag-iisip niya kay Oddy.

Bakit kaya hindi siya nito binisita? Dahil ba sa may kasintahan na ito at dapat ay etsapwera na siya? Pero diba sinabi ni Oddy na mahal siya nito? Totoo bang imahinasyon lamang niya iyon? Hindi ba talaga naglapat ang kanilang mga labi nang gabing malasing siya?

Bigla niyang naalala si Teo. Puro na lamang Oddy ang laman ng utak niya. Ang unfair para kay Teo dahil nanliligaw ito sa kaniya. Hindi niya naman kayang paasahin ang lalaki ngunit iyon na nga ang ginagawa niya nang hindi niya namamalayan. Masama na ba siyang tao dahil dito?

Dahil hindi siya madapuan ng antok ay nagpasya siyang lumabas na lang muna. Pumunta siya balcony at mula doon ay nakita niya ang kaniyang amang si Gray na may hawak na kopita ng baso na may lamang whine.

"P-papa." Naiilang niyang tawag sa ama.

Agad namang lumingon si Gray at gumuhit ang ngiti sa labi nito nang makita siya. "You couldn't sleep too?"

Mahina siyang tumango at lumapit dito. Sumandal siya sa railings at tumingin sa kalangitan. Maraming mga bituin siyang nakita na nagkikintaban sa kinang.

Kanina lamang nang opisyal na ipakilala siya ni Kylo kay Gray bilang anak nito. Nakakalito man ngunit hindi niya rin nagawang mainis dahil minahal naman din siya ni Kylo ng higit pa sa pagiging pamangkin nito. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Kylo dahil naipadama nito sa kaniya ang mainit nitong pagmamahal. Tinuring siya nitong anak at ganoon din siya dito.

Hindi pa rin maproseso ng utak niya na hindi pala si Kylo ang kaniyang ama. Hindi rin si Cevin ang kaniyang kapatid kun'di tiyuhin niya ito at si Gray na inakala niyang tiyuhin niya rin ay siyang ama niya pala.

"Pa, pwede mo ba akong kwentuhan patungkol kay nanay?" Pagbasag niya sa katahimikan.

Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Gray bago nito ibinaba ang kopita sa lamesang kalapit. "Your mother, Cresha, is a lovely woman..." Saglit na tumigil si Gray upang tumawa. "Though she can be a lovely man."

"Ha?!"

Tumawa si Gray sa reaksyon niya. "Just kidding, Caoilfhoinn." Napanguso siya dahil doon. "You know, your mother is not that kind. She's selfish and spoiled brat, she get jealous a lot pero iyon ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Gusto ko kasing ipagdamot niya ako sa lahat..."

Nangingiting pinagmasdan lang ni Talya si Gray na masayang ikinukwento ang naging buhay nito kasama ang kaniyang inang si Cresha. Siguro mas masaya kung nakasama nila si Cresha. Pero masaya na rin naman siya na nakilala niya ang tatay niya. Hindi niya pa nga ito inaasahan noon.

Nagtagal sila ni Gray ng ilang oras sa balcony hanggang sa makaramdam na siya ng antok kaya't pinapasok na siya nito sa kaniyang kwarto.

Kinabukasan, maaga siyang naghanda upang makapasok na sa eskwelahan. Dumami ang bodyguards niya habang hinahatid siya ni Gray papasok sa paaralan. May ilang man siyang nararamdaman sa tuwing kasama ang tatay niya ay alam niya mawawala din iyon at mapupunan ng pagmamahal.

Imbis na sa building nila siya magtungo ay lumihis siya ng daan patungo sa katabing building. Pinagtitinginan siya ng ibang estudyanteng nasa corridor pa, alam ng mga itong siya ay hindi nabibilang sa gusaling iyon kaya't ganoon na lang ang pagtataka ng mga ito.

Seryosong pumasok siya sa isang silid habang hawak ang strap ng bag niya. Wala pa namang guro dahil maaga pa. Ang maingay na mga estudyante sa loob ay natahimik nang makita siya. Nakita niya ang pamilyar na matang nakatitig sa kaniya, nang pakatitigan niya iyon ay biglang umamo ang mata nito. Ang mata ni Oddy.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now