Chapter Fourty-Two

383 38 4
                                    


Nagising si Talya na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Masakit ang kaniyang ulo at pumipintig-pintig ang ugat. Hirap din siyang idilat ang kaniyang mga mata.

Nakita niya ang likuran ng isang lalaking nakatalikod sa kaniya. May kausap ito sa cellphone nito na nakadikit sa tainga. Hindi niya masyadong maaninag ang lalaki dahil malabo ang bulto nito sa kaniyang paningin.

"Oddy..." Mahinang bulong niya sa pangalan ng lalaki, agad naman itong humarap sa kaniya.

"Hey, you okay?" Agad siyang nilapitan ng lalaki at sinipat ang kaniyang noo.

Bumagsak naman ang kaniyang balikat nang marinig ang tinig nito. Hindi iyon boses ni Oddy. Hindi si Oddy ang kasama siya sa silid na iyon.

"You still has a fever. Hintayin mo ako, I'll call the doctor, okay?" Ani Geco matapos ay lumabas na ng silid.

Nanghihinang inilibot niya ang paningin sa buong lugar. Nasa isa siyang eklusibong silid. May mini ref sa gilid at may TV, mayroon ding side table, nang tignan niya ang kanang pulso ay nakakabit doon ang IV na kumukonekta sa IV stand. Amoy pa lang, alam niyang nasa ospital siya.

Mabilis na bumalik si Geco kasama ang babaeng doctor. Ininspeksyon siya ng babae ngunit hindi na niya naintindihan ang pinagsasabi nito dahil sumasakit lamang ang kaniyang ulo. Sa bandang huli ay si Geco na lamang ang kumausap sa doktora.

Naupo si Geco sa katabi niyang upuan nang lumabas na ang doktora. "Are you hungry? Don't worry, nagpadala na ako ng pagkain dito."

Mahina siyang umiling, hindi siya nagugutom. Wala siyang ganang kumain. Mabigat ang kaniyang katawan at ulo. Mas gusto niyang magpahinga na lamang.

"Kakain ka, Talya. Iinom ka pa ng gamot." Masungit na sabi ni Geco at pinagkrus ang braso sa dibdib.

"A-anong nangyari?"

Napahinga ng malalim ang lalaki. "You passed out yesterday."

Agad na nangunot ang noo niya. Ano bang nangyari kahapon?

Bumaba ang mata niya sa braso nito at bahagyang nanlaki ang mata nang may gauze na iyong nakalagay. Bigla niyang naalala ang nangyari. Ang barilan, ang ingay, sigawan at patayan.

Gulat siyang napatingin sa mata ni Geco na may pagtatakang nakatingin sa kaniya ngunit nakataas ang dalawang kilay. "A-agent ka." Bulong na aniya.

"Yes, I already said it to you yesterday."

Mahina siyang napasinghap. "P-paanong nangyari yun? A-akala ko---si Pronto?! Nasaan siya?!" Akmang babangon siya ngunit pinigilan siya ng lalaki.

"Stay still. You're sick." Pinitik nito ang noo niya na ikinalaki ng kaniyang mata.

"May sakit na nga ako sinasaktan mo pa ako!"

"Yeah?"

"Geco!"

Humagikgik si Geco nang makitang naiinis na siya. Napailing-iling pa ito matapos ay tumikhim. "Ehem! I'm sorry, I'm not formally introduce myself to you. I'm Grecon Venturi."

Umikot ang kaniyang mata. "So?"

"Wow! You're so masungit today. Red flag?" Pang-aasar nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Seriously, Geco?"

Natawa si Geco dahil napikon na naman siya. Natigil lamang sa pagtawa si Geco nang dumating na ang pagkain niya. Kumain siya ng tahimik at inalalayan naman siya ni Geco upang hindi siya mahirapan.

"Anong nangyari kay P-pronto?" Tanong niya matapos ay uminom ng tubig. Dapat niya pa bang tawagin ang matanda na lolo gayong hindi naman siya itinuturing na apo nito?

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now