Chapter Twenty-Two

399 44 4
                                    


Hindi natuloy ang camping nila Talya dahil nasunog daw ang lugar na kanila dapat pupuntahan at bukod pa doon ay hindi na sasama si Oddy, ibig sabihin lang din ay hindi siya papayagan kahit matuloy pa ang camping.

Malungkot niyang ibinalik ang mga damit sa drawer niya. Naihanda na niya ang mga gamit sa camping ngunit sa kasamaang palad ay hindi iyon natuloy. Ang saya niya pa kahapon. Hindi niya tuloy maiwasang sisihin si Reina, kung sana ay hindi na lang ito nagpakita sa kanila.

Ilang minuto rin ang nagdaan nang matapos siya sa pagbabalik ng kaniyang mga gamit. Nakasimangot na siya ay lumabas ng kwarto at naggala-gala na muna sa buong mansyon.

Nakasalubong niya si Mina, ang anak ni Clara na isang mayordoma. Isa itong scholar sa Stery University kung saan siya nag-aaral, pasasalamat na rin ng mag-asawang Vladimir sa katapatan ng mayordoma kaya't binigyan ng scholarship ang anak.

Tinaasan siya ng kilay ni Mina at binangga pa ang kaniyang balikat. Napahinga na lang siya ng malalim at napailing. Sa kasamaang palad ay galit ito sa kaniya dahil isa daw siyang sampid sa pamilya.

"Bitch." Rinig niyang bulong nito matapos siyang lampasan.

"Thanks." Walang lingong pasasalamat niya.

Hindi na siya nagulat nang hablutin nito ang pulsuhan niya. Hinayaan niya ang kuko nitong dumidiin sa kaniyang balat. "Hindi talaga kita gusto."

"Okay lang. The feeling it's usual."

Mas lalong humigpit ang hawak nito na kahit na siya ay nasasaktan ay hindi niya ininda. "Isa ka talagang bobita. Hindi mo ba alam na sikat ka na sa campus dahil sa katangahan mo?"

Umangat ang sulok ng kaniyang labi upang mang-asar. "Eh ano naman ngayon? Gusto mo bang pasikatin din kita?"

Umingos ito at marahas na binitiwan ang kaniyang kamay. "Whatever. Wala akong mapapala sa pakikipag-sagutan sayo. Hmp!" Inirapan siya nito bago tinalikuran.

Siya din ay nagsimula ng naglakad pataliwas dito. Matapang man siya kanina habang nakikipag-salitaan dito ay mabigat naman ang dibdib niya. Bukod sa nanghihinayang siya sa camping, naiinis naman siya dahil wala si Oddy sa bahay.

Nakita niya kasi ito kanina na nagmamadaling sumakay sa motor nito. Hindi man nito sinabi kung saan ito pupunta ay tila may hinala na siya.

Dinala siya ng kaniyang mga paa sa rooftop. Malawak ang rooftop at may mga halaman na makikita saan mang dako tumingin.

Naglakad siya at sumilip sa ibaba. Hindi niya maiwasang malula dahil sa taas niyon ngunit nawala ang pagkalula niya nang lubusang makita ang kabuuan ng mansyon.

"Wow!" Manghang sigaw niya.

Magaganda ang tanawin na kaniyang nakikita. Nakikita niya rin mula doon ang mga gusaling matataas ngunit maliit sa kaniyang paningin dahil sa layo niyon.

Dinamdam niya ang masarap na simoy ng hangin. Inililipad ng hangin ang kaniyang buhok kaya't hindi niya maiwasang mapapikit ngunit nabulabog iyon nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone na nasa bulsa.

"Hello po?" Aniya na sinagot na ang tawag.

[Hello, Talya, nasaan ka? May bisita ka kasing dumating.] Boses ni Phemie ang kaniyang narinig.

"Ah... Sino daw, boss?"

[Si Cherry? Cherry ano?---Yes po. Cherry---Ayon, Cherry daw.]

Napakamot naman siya sa ulo. Nasabi niya nga pala kay Cherry na dito siya naninirahan sa mga Vladimir. Nasabi niya ang lahat dito at hindi niya alam kung bakit gayong mag-kaaway nga sila. Hindi sila magkaibigan ngunit nagawa nito siyang pilitin na magkwento. Anong klaseng enemy sila? Enemy is the new word of friend na ba?

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon