Chapter Twenty-Seven

403 42 1
                                    


Pana'y ang irap ni Talya sa ere habang inaalala ang mukha ni Oddy. Naiinis kasi siya dito dahil matapos siya nitong pasayahin ay ganoon naman din nito kadaling binawi ang kasiyahang iyon.

Inihatid lamang siya ni Oddy sa mansyon matapos ay nagkukumahog na umalis. Hindi nito siya pinakinggan kahit na anong reklamo niya.

"Kulang na lang tumirik 'yang mata mo sa kaiirap." Maarteng saad ni Cass habang naghihiwa ng manok.

"Huwag mo siyang pakialaman, bakla." Saway naman ni Cherry na umiinom ng juice.

Inis na napaharap si Cass kay Cherry. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Hindi ka naman namin kasama sa cheerful of friend." Paingos nitong saad.

Inirapan naman ito ni Cherry. "Circle of friends kasi yun, bakla. Palibhasa ang obobs eh." Paingos din na turan nito. "Saka Talya and I are close..." Saglit itong napaisip. "Close enemy. Right."

"Can't you just shut your mouths? Nakakarindi na kayo." Naiiritang saad naman ni Cate.

Napahinga naman siya ng malalim at muling umirap. Ito pa yung isang dahilan kung bakit kanina pa siya irap ng irap. Kasama lang naman niya kasi ang tatlong maaarteng may C sa pangalan.

"Hi, ladies." Naputol ang pag-aaway ng tatlo nang biglang lumapit sa kanila si Prick o Eight na kasama rin sa ZECOND. "Mind if I'll join you here?"

Agad nagningning ang mata ni Cass. "I don't have mind." Sagot nito na magkasalikop ang dalawang kamay.

Ngumisi si Cherry. "Exactly."

Ngumiti si Cate kay Prick at itinuro ang katabi nitong bangko. "Sit beside me, kuya Pricky."

"Sure." Inilapag ni Prick ang dalang tray sa lamesa at naupo na sa tabi ni Cate na kaharap naman ni Cass.

Nagkaroon na ng sariling mundo ang dalawa, si Cate at si Prick. Paminsan-minsa'y nakikisali sa usapan ng dalawa si Cass at Cherry.

Nakikita niya ang closeness ng dalawa. Tila magkapatid ang turingan nito sa isa't isa. Napaisip tuloy siya kung si Oddy nga ba talaga ang kapatid ni Cate.

Dumako ang tingin niya sa entrance ng cafeteria. Kitang-kita niya si Reina na nakaangkla ang kamay sa braso ni Oddy. Sobrang dikit nito kay Oddy habang si Oddy naman ay hinahayaan lang ito.

Nakita niya rin ang pagkalito sa mukha ng mga estudyante at nagpapalit-palit ang tingin sa kaniya, kay Cherry at Reina.

"Seriously?" Nakataas ang kilay na saad ni Cherry habang ang mata ay na kay Reina.

"May pa gram entrances?" Ganoon din ang reaksyon ni Cass.

Tinaliman niya ng tingin si Oddy kahit hindi ito nakatingin. Pinaningkitan niya rin ng mata ang kamay ni Reina.

Nagtama ang mata nila ni Oddy ngunit agad rin iyong nawala nang may humarang sa kaniyang harapan.

"Hi, Talya." Namumula ang taingang ani Teo.

Ang matalim niyang tingin ay nawala. Ang nakasimangot niyang labi ay bigla na lamang kumurba ng ngiti. "Hi, Teo. Upo ka."

Ngumiti rin si Teo at naupo sa kaniyang tabi. May bigla na lamang itong inilabas na kahon na naglalaman ng tsokolate. "For you."

Napaawang ang labi niya at itinago ang ngiti. Bigla siyang nahiya dito. "S-salamat." Tinanggap niya ang tsokolate at inilagay na muna sa lamesa.

"Wow, ang pabebe, te?" Singit ni Cass.

Pinanlakihan niya ito ng mata saka muling bumaling ang tingin kay Teo. "Kumain ka na ba?"

Nakangiting nagkamot ng batok si Teo. "Hindi pa pero---" Hindi na nito natapos ang sasabihin matapos niyang itulak ang pagkain niya.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon