Chapter Thirty-Four

368 36 1
                                    


Maingay na tugtugan ang sumalubong sa kanila ni Talya at Cate sa kanilang pagpasok sa isang malaking bahay. Malayo pa man sila ay kitang-kita na niya ang umiikot na iba't ibang kulay ng ilaw sa madilim na kalangitan.

Hindi pa man sila nakakapasok ng tuluyan ay napapaindak na si Cate na nasa kaniyang tabi habang naglalakad. Hindi siya sanay sa ganitong mga gawain, ngayon pa lamang siya makararanas na makasama sa party sa buong buhay niya.

"Hecate, you're here!" Tili ng isang babae nang makita sila at agad na dinamba ng yakap si Cate.

Gumanti rin naman ng yakap ang huli at nakipagbeso-beso pa sa babae. "Ofcourse, it's your birthday. Hindi ko dapat palampasin to, chingu!" Nang makalas sa yakap ay hinawakan naman ni Cate ang kaniyang braso. "By the way, she's my unnie Talya. Unnie, she's my chingu, Meyan Polas."

"Hello, unnie!" Lumapit din sa kaniya si Meyan at nakipagbeso-beso din sa kaniya.

Ngumiti naman din siya dito. "Hello, happy birthday." Bati niya pa dito.

"Thank you, unnie! Taralets na!" Ani Meyan at kumapit sa braso nila ni Cate bago sila hinatak papasok sa loob.

Marami siyang taong nakasalubong ngunit wala siyang kilala sa mga iyon. Taga-ibang eskwelahan kasi nag-aaral ang birthday celebrants kaya naman schoolmates ng mga ito ang nasa party.

"Hali kayo, nandoon ang dalawang ugok sa veranda." Sabi ulit ni Meyan.

Hinayaan niyang hatakin siya nito. Hindi niya rin maiwasang ikutin ng tingin ang buong kabahayan, saan sulok kasi ay mayroong tao. Hindi man sa loob ng bagay nanggagaling ang malakas na tunog ngunit malakas pa rin ang vibrate niyon na pati ang puso niya ay nakikiindak.

"Mezon, Mexon!" Tawag ng pansin ni Meyan sa dalawang lalaki na nagbabatukan. Nang humarap ang dalawa ay makikita ang pagkakahawig din ni Meyan dito. Triplets kasi ang mga ito.

"Oh, Hecate!" Sabay na tawag ng dalawang lalaki kay Cate matapos ay hinalikan ito sa noo.

"I'm glad you're here. Where's Odyssues?" Tanong ng isang lalaking may nunal sa sintido at malaki ang pagkakangiti sa kanila.

"I don't know. Hindi naman ako hanapan ng mga killjoy." Pairap na sagot ni Cate na ikinatawa ng tatlo.

"And you are?" Takang tanong ng isa pang lalaking may salamin sa mata habang nakatingin sa kaniya.

"Talya." Pagpapakilala niya.

"Oh! I heard a lot about you!" Tugon ng may nunal sa sentido at nakangisi ng makahulugan. "Anyway, I'm Mexon Polas."

"And I'm Mezon, nice to finally meet you, Talya." Pakilala naman ng may salamin sa mata na nakangisi rin ng makahulugan.

Nagtataka man sa inakto ng mga ito ay hinayaan na lamang niya. Hindi niya rin kasi mawari ang ngising nakapinta sa mukha ng nga ito isama pa ang mga makahulugang ngiti ni Cate at Meyan.

"And because we are finally complete, kantahan niyo na kami sa labas!" Saad ni Meyan na muling kumapit sa kaniyang braso saka muli silang hinila palabas naman ng bahay.

Nagpunta sila sa may swimming pool area dahil swimming party naman ang inihanda ng triplets. Marami siyang nakitang mga babaeng naka-swimsuit at mga lalaking nagyayabang ang mga matitigas na pandesal sa bandang tiyan. Hindi naman siya mahilig sa abs kaya't hindi rin naman siya na-attract.

"Okay, guys, I'll just call our mom, okay?" Saad ni Mezon habang inilabas nito ang tablet saka may ipinindot doon.

Dahil sa hudyat na iyon ay pinatay na ang mga tugtugin pati na rin ang ilaw na ipinagtaka niya. Ang mga bisita sa party na iyon ay nagsilapitan upang saksihan ang mangyayari.

Stupid SpecieOnde histórias criam vida. Descubra agora