Chapter Six

539 61 10
                                    


"Sige, captain, una na ako!" Ngumiti si Levi kay Talya. "Bye, miss beautiful."

Dumaan naman si Gav at tinapunan lang siya nito ng tingin matapos ay nakapamulsang naglakad na paalis.

"Let's go." Ani Oddy at nauna nang sumakay sa front seat na katabi ni Odolfo.

Napairap siya at binuksan ang pintuan ng backseat. Pinauna niya munang papasukin si Pollo bago siya sumunod.

Lumingon ng bahagya si Oddy sa gawi ni Pollo. "Pollo..."

"Hmm?" Bahagya ring tumingin si Pollo kay Oddy at muling ibinalik ang tingin sa cellphone na hawak nito.

"Where do you want to go now?" Tanong ni Oddy sa kapatid.

Wala pang isang kisap-mata ay naibaba na ni Pollo ang cellphone at interisadong tumingin sa nakatatandang kapatid. "Awe you suwe? Youw fwee today?" Paniniyak pa nito na halata ang pananabik sa boses.

Natawa naman ng mahina si Oddy. "Yes."

"Youw not lying? How about weading? Youw busy, wight?"

"No, Pollo. I'm free all day. Let's have some fun today, okay?"

"Yes!" Hindi naiwasang napatayo ni Pollo sa saya mula sa kinauupuan habang inalalayan niya naman ito upang hindi matumba.

Tinignan niya ang upuan ni Oddy. "Ano bang pinagsasabi mo sa kapatid mo? Nagmumurahan ba kayo?"

"Tss. Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Hindi ko minumura ang kapatid ko."

Iningusan niya ito. Hindi siya nito masisisi, hindi siya marunong ng ingles at walang naiintindihan. Noon kasi'y may mga foreigner na lumapit sa kaniya, tuwang-tuwa pa siya dahil kinakausap siya ng mga ito sa lenggwaheng hindi niya maintindihan, iyon pala'y minumura na siya ng mga ito na nalaman niya lang sa isang kakilala. Kaya simula noon, kapag may nagsasalita ng ingles sa harapan niya ay inuunahan na niya ng mura.

Narating nila ang amusement park. Ibinaba lang sila doon ni Odolfo at umalis na rin ito, tatawagan na lang ito ni Oddy kung uuwi na sila.

Nagbayad lang ng entrance fee si Oddy saka lumapit sa kanila. Hinawakan nito ang kabilang kamay ni Pollo habang hawak niya naman ang isang kamay ni Pollo. Tatalon-talon si Pollo habang naglalakad sila papasok ng amusement park.

"Because I'm happy~" Pakanta-kanta si Pollo habang naglalakad. Marami namang napapatingin dito at bigla na lamang napapangiti dahil sa masayang batang hawak nila. "I want to wide that, Oddy!" Nakangiting sabi ni Pollo habang itinuturo ang carousel.

"Kuya, Pollo." Pagtatama ni Oddy. "Sure, we'll ride that. Wait for me for awhile." Anito at pumila na upang bumili ng ticket.

Naiwan naman siya habang hawak si Pollo na hindi mapakali. Lumuhod siya sa lupa at pinakatitigan si Pollo. "Anong pinag-usapan niyo, Pollo?" Curious niyang saad habang naniningkit ang tingin sa bata.

Tumitig lang sa kaniya si Pollo at hindi sumagot. Napahinga siya ng malalim. Paano nga ba naman kasi siya maiintindihan nito diba? O siya ang hindi makakaintindi dito? Malamang na hindi ito marunong magtagalog.

Tumayo na siya nang makita si Oddy na pabalik na. "Let's go." Muling hinawakan nito ang kamay ni Pollo at naglakad na papasok ng carousel.

Napatingin-tingin naman siya sa paligid. Hindi niya alam kung sasama siya. Susunod ba siya? Pero sa huli ay napagdisesyonan niyang pumasok din.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon