Chapter Twenty

408 41 11
                                    


Masayang naglalakad si Talya sa hallway dahil bukas na ang camping nila. Nakahawak siya sa strap ng kaniyang bagpack habang tumatalon-talon.

Tinitignan siya ng mga estudyante dahil nawiwirduhan sa kilos niya ngunit ano bang pakialam niya? Hindi nito alam ang nararamdaman niyang kasiyahan.

Bakit nga ba sobrang saya niya? Bukod sa masaya siya na makakapag-camping na siya sa wakas dahil first time niya ito ay makakasama niya pa si Oddy sa camping. Oo, marahil palagi niya ngang nakakasama si Oddy lalo na't iisa sila ng tinitirhan pero iba pa rin syempre ang makapagsolo sila.

Ang makapagsolo sila. Kinikilig na naman tuloy siya.

"Hayaaa!" Sigaw niya at sumipa sa ere na isa pa lang maling aksyon.

Namutla siya nang makitang nasipa niya ang malaking vase na sigurado siyang mamahalin at saan pa ba ang papunta noon? Malamang nabasag. Isa pa naman daw iyong vase na paborito ng dean.

Napahinga na lang siya nang malalim. Akala niya talaga ay magiging masaya na siya buong araw.

Ngayin ay narito si Talya sa detention room. Tama, detention room. Wala naman siyang nilabag na batas o kung ano pa man ngunit bakit nga ba siya na-detention room? Naisip niya tuloy napaka-babaw ng dean dahil pina-detention siya dahil lang sa nabasag na vase.

Sino nga ba ang dean nila? Walang iba kun'di si Adrienne Xyrel Ruis-Miller. Ang asawa ni Dion Miller. Ang ina ni Levi, Harri at ang kambal na si Ren at Ken.

"Bayaaaan!" Sigaw niya at sumandal sa sopa. Mabuti na lamang ay tila living room lang ang detention room.

Wala sa kaniya ang cellphone niya dahil kinumpis iyon ng headmaster na si Niko. Tama, si Finn Nicholas Balthazar.

Tumayo siya at nagtungong bookshelf. Mabuti na lamang at may mga libro doon. Magbabasa na lamang siya ng action stories dahi iyon ang gusto niya. Yung mga bakbakan.

Akmang hihila na siya nang isang libro nang biglang nagbukas ang pintuan ng detention room. Agad siyang napangiti sa pag-aakalang makakalabas na siya ngunit unti-unti iyong nabura nang pumasok doon ang hindi niya inaasahang tao.

"Oh?" Gulat na bulalas nito ngunit agad na ngumiti. "I didn't know you we're here also."

Umirap siya. "Pwede ba? I note in the wood para makipag-usap sa gaya mo." Paingos niyang sabi.

Tumawa si Cherry at naupo sa sopang inupuan niya kanina. "Totoo nga ang mga sabi-sabi. Isa ka ngang bobita. I wonder anong nakita sayo ni Oddy?"

Tila nag-init naman ang ulo niya. "Bobo ka din ba? Hindi mo ba nakikitang mas maganda ako sayo? Iyon kasi ang nakita ni Oddy sakin na wala ka."

Imbis na mainis ay lumikha pa ng tunog ang paglaki ng ngisi ni Cherry. "Oh dear, bakit hindi mo na lang sabihing natatakot ka? You're threatened because of my beauty."

Tinignan niya naman ito taas at baba. "Excute me? Kung kuko ko lang ang clashmates ko, ikaw, daliri ka lang." Nakataas ang kilay na aniya. "Nalamangan mo nga sila sa level ng kagandahan pero hindi ako." Nag-flip hair siya bago kinuha ang librong napili niya.

Tumawa si Cherry, wala na ang mapang-asar nitong tawa. Tila ang tawa nito ay totoong-totoo na. "You know what? I like you."

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito habang pinoproseso naman iyon ng kaniyang utak. Maya-maya ay napaatras siya habang namimilog ang kaniyang mga mata. "G-gusto mo ako?!" Gulat niyang bulalas.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon