Chapter 2

656 82 11
                                    


"Nandito na tayo, Talya." Ani Phemie at lumabas na ng sasakyan.

Nakaawang ang labing lumabas siya ng van habang ang tingin ay nasa malaki at malawak na mansyong nasa harapan niya. Hindi niya akalaing ganito kayaman ang mag-asawa.

Nilapitan niya ang fountain at isinawsaw ang kamay sa tubig. May isdang lumalangoy roon na lalong nagpaganda sa fountain na naroon sa gitna.

"Welcome to our house, Talya." Ani Primo at umakbay sa asawa.

"Ha?" Napatanga siya. Minumura na naman ba siya?

"Wala." Natawa si Primo bago humalik sa noo ng asawa.

Napangiwi naman siya dahil sa ka-sweet-an ng dalawa. Sabagay, nakakakilig din naman ang dalawa. Parang teenager ang dalawa kung kumilos, may sparks pa rin kahit matanda na.

"Let's go." Sabi ni Primo at inakay na ang asawa papasok.

Napailing na lang siya. Pati asawa nito ay minumura. Sabagay, siya man din ay palamura. Hindi na dapat siya magalit kung mumurahin man siya ng mga ito.

"Waahh! Tangina, bahay niyo ba talaga 'to?" Gulat niyang sambit nang makapasok sa loob ng mansyon ng mga ito.

Umingos si Oddy na hindi niya namalayang dumaan sa likuran niya. Naupo ito sa may sopa sa hindi kalayuan.

"You don't have to cuss if you're surprise, dimwit."

"Odysseus." Mapagbantang tawag ni Primo sa anak.

"Gago." Pabulong niyang sabi bago umirap.


Nagulat siya nang hilahin siya ni Phemie. Nagmamadali siya nuting hinatak patungo sa malaking hagdanan.

"Halika, dali! Punta tayo ng kwarto mo! Pinaayos na namin 'yon, eh!" Excited nitong saad habang hila siya.

Sa third floor sila nagpunta. Hanggang ika-apat na palapag ang mayroon ang mansyong ito. Malalaki rin ang pasilyo kaya kung hindi mo kabisado ang lugar ay maaaring maligaw ka.

Binuksan ni Phemie ang isang pinto roon. Binilang niya kung ilang pinto ang nadaanan nila dahil maaari nga siyang maligaw. Mamaya'y lilibutin niya ang buong mansyon at isasa-isip ang lugar nang sa gayo'y makabisado niya.

"Wow!" Pumasok siya sa loob. Nakaawang ang kaniyang bibig.

May kabinet, side table, kama, banyo, salamin na malaki at kung ano pa. Maganda rin ang bintana niya na tinernuhan ng magandang kurtina. Tinalunan niya ang kama at ilang beses na tumalbog ang pwet niya bago mapirmi, patunay lang na sobrang kapal niyon.

"Nagustuhan mo ba, Talya?" Tanong ni Phemie na naroon lang sa pinto at pinagmamasdan siya.

Nag-thumbs up siya. "Syempre naman, Phemie! Sobrang ganda ng kwartong 'to! Pero..." Huminto muna siya upang bumaba ng kama. "Talaga bang dito na ako titira sa inyo?"

"Oo, Talya. Inaayos na ni Kylo ang mga papeles para maging guardian mo na kami ni Primo." Nakangiting sagot ni Phemie. "Saka matuto ka sanang mag-po at opo at dapat tita Phemie ang itawag mo sa 'kin."

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now