Chapter Ten

457 48 0
                                    


"Talya! Talya! TALYA!"

Napabalikwas siya ng bangon at nagpalinga-linga ang ulo. "Tangina niyo! Sinabi ng hindi na ako babalik sa pagnanakaw!" Sigaw niya at pumusisiyon na tila may kaaway na kaharap.

Bigla na lamang pumaling ang ulo niya pakanan at sunod ay ang pamamanhid ng kaliwang pisngi. NNapaupo siya sa kama at natulala.

"Ay sorry!" Nilapitan siya ni Phemie at ininspeksyon ang kaniyang pisnging namumula na. "Ikaw kasi eh. Kanina pa kaya kita ginigising."

Napakurap-kurap siya at muling luminga. Akala niya talaga, narito ang mga kasama niya dati sa pagnanakaw. Napapikit siya ng mariin.

"Bilisan mo ng maligo. Naghihintay na sayo si Oddy at Cate. Mainipin pa naman ang panganay ko." Ani Phemie.

Nagtatakang tumingin siya dito. "Saan kami pupunta?" Tanong niya na napanguso. Gusto niya pang matulog eh!

"Diba ngayon ang araw ng enrolements? Nakalimutan agad? Nagka-anesthesia ka ba?" Alalang tanong ni Phemie.

Umangat ang tingin niya sa kisame habang nakakunot-noo upang alalahanin ang kahapon matapos ay biglang napaawang ang bibig niya upang maglabas ng, "Ahh..."

Sinabihan nga pala siya kahapon na mag-aaral na siya sa Stery University na pagmamay-ari mismo ng pamilya Vladimir. Enrollment ngayon kaya't sabay-sabay sila ni Oddy at Cate upang magpa-enroll.

"Oh sige. Maligo ka na." Ani Phemie at iniwan na siya sa kaniyang kwarto.

Kumilos naman siya upang magtungo ng banyo.

Dalawang buwan na ang nakararaan simula ng kupkupin siya ng pamilya Vladimir. Masaya siya dahil maraming improvement ang nangyari sa kaniya. Magaling siya sa lahat ng subject dahil magaling ang dalawang guro niya. Si Phemie at Kiera.

Inampon siya ng mga Vladimir ngunit hindi nila pinalitan ang kaniyang apelyido. Nanatili ang pangalan niyang wirdo daw kuno ngunit kung siya man ang tatanungin, mas maayos na siya sa kaniyang pangalan. Ang Guatalamelana kasi ay apelyido ng lola niya at middle initial na rin ng tiya Homeng niya. Mahal na mahal niya ang lola niya ngunit hindi pa man siya nakakaabot ng sampung taon ay nawala na ito sa piling niya.

Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kaniyang kwintas na gawa sa kahoy at nakaukit ang kaniyang pangalan. Napangiti siya ng mapait. Bigay ito ng kaniyang tatay ngunit nang magka-isip siya ay hindi man lang niya nakilala ang ama. Kahit ang pangalan nito ay hindi niya alam, hindi rin naman sinabi ng lolo niya at hindi naman kilala ng tiya Homeng niya ang half brother nito.

Tama, half brother lamang ng tiya Homeng niya ang tatay niya. Anak ito ng nanay ni Homeng sa labas at ang tatay daw nito ay isang sindikato. Hindi na nilinaw sa kaniya ang lahat kaya't hindi na rin niya nakilala man lang ang ama.

Ang nanay niya naman ay isang British daw ngunit hindi na nila ito nakita man lang kahit isang beses ngunit dahil sa hindi sila magkahawig ng kaniyang tatay ay ibinase na lamang ang mukha ng nanay niya sa kaniya lalong-lalo na sa mata niyang kulay berde. Ang namana lamang daw niya sa tatay niya ay ang labi niya at ilong gayon din ang ugali nito.

Lumabas na siya ng palikuran nang nakabalot lamang ng tuwalya ang katawan. Binuksan niya ang drawer at kumuha ng panty. Balak na sana niyang tanggalin ang tuwalyang nakapulupot sa kaniyang katawan nang may narinig siyang pagtikim.

Nanlalaki ang kaniyang matang nakatingin kay Oddy na nakasandal sa hamba ng pinto ngunit ang ulo ay nakayuko at tinitignan ang sahig. Nakita niya rin ang pamumula ng tainga nito.

"AHHHHH! BASTOOOSSS!" Pinaghahagis niya dito ang kung anong makuha niya habang mahigpit naman ang kapit niya sa tuwalyang nakabalot sa kaniya.

"Shit! Hey, stop it! Damn!" Pilit namang umiiwas si Oddy sa mga hinahagis niya.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon