Chapter Fourteen

406 43 2
                                    


Pumasok si Talya sa covered court. Rinig na rinig niya ang mga malalakas na tunog ng hampas sa bola, ang mga sapatos na nakikipagkiskisan sa sahig, ang maiingay na yabag ng mga nagsisipagtakbuhan at ang mga sigaw ng mga estudyante.

Naka-suot siya ng PE uniform nila habang tinatahak niya ang daan kung saan naroon ang mga babaeng nagvo-volleyball. Sa isa pang court naman ay ang mga classmate niyang lalaki na nagba-basketball. Dalawa ang court at ang pagitan lang ay ang mala-alambreng bagay.

"Bobita!"

Napahinga siya ng malalim. Alam niya ang boses na yun. Halos sa isang linggo niya sa paaralan ay lagi ng nakadikit sa kaniya si Cass na ngayo'y nalaman niya rin na anak pala ni Azriel at Kristine na tito at tita nila Oddy. Hindi na ito humiwalay sa kaniya hindi dahil magkaibigan sila kun'di dahil boba daw siya at kung ano-ano ang mga pinaggagawa niya sa buhay.

Hinihingal na huminto sa harap niya si Cass. Pawis na pawis ito at tila napapagod na.

"Nakakainis! Bakit kasi sa basketball pa ako kung pwede namang sa volleyball na lang din ako?! I girls kaya!" Pagmamaktol ni Cass nang makahuma sa hingal.

Natawa naman siya ng mahina. "Ayaw mo no'n? Ang daming lalaki sa kabila, tiba-tiba ka, bakla!" Kunwa'y nakangusong aniya upang ipakitang naiinggit siya kahit hindi.

"Oo, alam ko, te! Ang kaso, pinapahirapan nila ang beauty ko! Anong laban ko sa mga barakong 'yan?! Mga hot nga! Sa sobrang hot, gusto na akong ihagis!" Tila nai-stress nitong saad at nagawa pang idabog ang paa sa inis.

Natawang muli siya. "Kung ako sayo, babalik na ako doon. Ang sama na ng tingin ng coach niyo dito oh." Mahina niyang pahayag saka tinapik-tapik ang balikat ni Cass.

Napanguso ito at wala sa sariling nagdadabog-dabog patungo sa kabilang court.

Napailing na lamang siya at lumapit na rin sa kaniyang mga kasama. Ang totoo'y hindi naman siya marunong mag-volleyball ngunit alam niyang sa panonood lang ay sapat na ang nakita niya upang matutunan ito.

"Pa-VIP." Rinig niyang bulong ni Rona, hindi na lamang niya ito pinansin.

Pumwesto na siya matapos ituro sa kanila kung saang pwesto sila nararapat. Walang net na nakaharang sa gitna dahil kasalukuyang nasira daw iyon.

Inumpisahan na nila ang laro at halos sa bawat hampas ay tila sinasadya na siya'y patamaan. Kahit ang mga kakampi niya ay pasimpleng ihahagis sa kaniya ang bola na mabilis niya namang nasasalagan. Dahil sa wala ngang net ay malaya nilang natitira ang katawan niya.

Nagngingitngit ang ngipin niya sa inis. Mabuti na lamang at mabilis niyang nasasalag at naiilagan ang lahat. Minsan pa'y tumitira din siya upang patamaan ang mga ito.

"Ang kapal ng mukha mo, Talya!" Gigil na sabi ni Ara.

Nagulat siya nang palibutan na siya ng kaniyang mga kaklaseng babae maliban kay Maria Buendia na natatakot na umatras lamang. Pinagbabato siya ng bola sabay sasambutin naman ng isa at muling ibabato sa gawi niya.

Sumilip siya sa gilid upang silipin ang nagbabantay sa kanila ngunit wala na ito doon. Tumingin muli siya sa kaniyang mga kaklase. Kaya pala malalakas na ang mga loob nito dahil wala na ang tagabantay nila.

"Hindi ko matanggap na ang isang tulad mo lang ang magiging fiancee ni One!" Sigaw ni Yuri sabay hagis ng bola sa kaniya.

Ginamit niya ang mga braso pansalag lalo na nang magsikuha na ang mga kaklase niyang babae ng bola na nakatabi lamang sa gilid at iyon ang pinaghahagis sa direksyon niya.

"Hindi ka bagay kay One!"

"You seduced One!"

"One is mine!"

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now