Chapter Thirty-Seven

359 38 3
                                    


"Ano ba?! Bitiwan niyo ako!" Patuloy na nagpumiglas si Talya sa hawak ng dalawang lalaking may hawak sa magkabilang braso niya.

Hinihila siya ng mga ito palabas sa silid na iyon. Nasa unahan naman nila ang isa pang lalaking hindi niya kilala ngunit nasisiguro niyang ang lalaking ito ay may mataas na katungkulan base pa lamang sa tindig at pananamit nito. Casual lamang ang suot nito. Nahahalata niyang mula sa damit nito ay may batak itong pangangatawan.

"Sinabi ng bitiwan niyo ako eh!" Nagawa niyang sipain ang may hawak sa kaniyang kaliwang braso ngunit hindi natanggal ang mahigpit na hawak nito doon. Sigurado siyang mag-iiwan iyon ng marka.

Huminto ang lalaking nasa kanilang unahan at nilingon siya. Masasabi niyang may ipagmamalaki rin itong mukha sa publiko dahil sa perpektong pagkakahulma ng mukha nito, sa kilay, sa mata, sa matangos nitong ilong, sa mapupulang labi, at sa panga na ngayon ay gumagalaw-galaw sa inis.

Sinamaan siya nito ng tingin na tila nagbabantang siya'y manahimik ngunit imbis na sundin ay sinalubong niya rin ang mga tingin nito na gaya ng sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya.

"Don't let her go. Let's go." Masungit na sabi nito gamit ang malalim nitong boses bago muling nagmartsa.

Inis na inis naman siyang nagpumulit pa ring makawala at hindi na nakatiis ang mga lalaking humahawak sa kaniya ay pinasan na siya ng isa sa balikat na parang isang sako ng bigas. Napansin niya rin ang iba pang lalaking nakasunod sa kanila sa likuran niya at ang iba sa gilid na sumasalubong sa kanila at yumuyuko bilang paggalang.

"Mga hinayupak kayo! Kapag ako nakawala, lintik lang ang walang ganti! Ako si Caoilfhoinn Tallulah Grayson ay hindi magpapatalo sa inyo, tandaan niyo yan!" Pinagkakawag niya ang paa habang ang dalawang kamay niya ay hinahampas ang likuran nito.

"So damn noisy." Rinig niyang angil ng lalaking nasa unahan nila.

"Ahh!" Napasigaw na lamang siya ng bigla siyang ihagis ng lalaking may bitbit sa kaniya, mabuti na lamang at sa malambot na bagay siya nito inihagis. Sa sopa.

Bigla siyang tumayo, ngayon ay nasa harapan niya ang mga ito. Ipinusisyon niya ang sarili, ibinuka ng bahagya ang mga hita at itinaas ang dalawang kamay na nakakuyom. Ang mga mata niyang nag-aalab na sa inis ay sa lalaking kanina ay nasa unahan nila, dumapo.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa isa na siyang silid at sa tingin niya ay isa iyong opisina, malaking opisina. Nasa harapan niya ang hindi mabilang na mga lalaki at nakatingin lamang sa kaniya ng walang emosyon.

"Ano?! Laban na!" Sigaw niya habang sumusuntok-suntok pa sa hangin.

Wala ni isa ang gumalaw sa mga ito bukod sa lalaking kanina ay nasa unahan niya at pinanlisikan siya ng mata. Inilagay nito ang kamay sa likod matapos ay wala pa ring emosyon siyang tinignan ngunit nakaangat ng bahagya ang ulo nito na tila nagmamayabang.

Maya-maya'y bigla na lamang humawi ang mga lalaki sa kaniyang harapan at nakita niyang naglakad sa gitna ang isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Mabagal lamang ang lakad nito marahil na rin siguro sa katandaan, matanda man tignan dahil sa kulubot nitong mukha at puting buhok ngunit mapapansin pa rin ang tikas at bakas ng kagandahang lalaki sa mukha nito. Masasabi niyang isa itong napakagwapong binata sa kapanahunan nito.

"You are Caoilfhoinn Tallulah Grayson, I see." Marahan nitong banggit sa buo niyang pangalan habang naglalakad ito patungo sa isang single couch at naupo.

Nangunot ang noo niya. Iilang tao lamang ang nakakabanggit ng tama sa kaniyang pangalan at bilang lang iyon sa kaniyang daliri, kataka-takang alam ng mga itong banggitin ang kaniyang pangalan.

Matapang niyang hinarap ang matanda habang salubong ang kaniyang kilay. Nagtataka siya ngunit mayroon ding takot at pangamba sa kaniyang dibdib. Nakakatakot naman kasi ang presensya nito.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon