Chapter Fourty-One

358 36 0
                                    


"One more word and you're dead." Saad ni Pronto at muling bumaling sa unahan. "Let this wedding started."

Nanigas si Talya sa kinatatayuan at inikot ang paningin sa mga tauhan ni Pronto na nasa nakapaligid sa kanila ni Geco at ang lalaking nakaputi na siya mismong magkakasal sa kanila.

Ikinuyom niya ang kanang kamay at lumunok. "H-hindi pa ako pwedeng ikasal. I'm not in the legal age." Matapang niyang hinarap ang mga mata ni Pronto. Ramdam niya rin na mas lalong naging alerto ang mga tauhan nito.

"Yes, you are, Caoilfhoinn. You don't know? It's your birthday today, 18 years old ka na." Nakangising sagot ng matanda.

Nangunot ang noo niya sa pagkalito habang iniisip ang kaniyang edad. "Imposible! 16 pa lang ako turning 17 this December! What are you talking about?!"

"You've got the wrong information then, young lady. Your birthdate is July 30. Iyan ang araw na isinilang ka ni Cresha..." Natigilan si Talya nang banggitin ni Pronto ang pangalan ng ina. "And she died when she gave birth to you."

Nag-igting ang kaniyang panga. Kung ganoon, ang inakala niya palang edad niya ay mali. Iba ang araw nang isilang siya at iba rin ng taon. Akala niya ay 16 pa lang talaga siya.

"H-hindi pa rin ako papayag! Wala kang karapatan sakin!" Sigaw niya sa matanda kahit nanginginig ang katawan niya sa takot. Sangkatutak ba naman na baril ang nakatutok sayo, sinong hindi maiihi sa takot?

"You want to die?" Lumamig ang boses ng matanda at wala ng emosyon na makikita sa mata nito, wala na rin ang mapaglarong ngisi na nasa labi nito kani-kanina lamang.

May humawak sa kaniyang kamay at inilagay siya sa likuran nito. Ang nakita na lamang niya ay ang malapad na likod ni Geco na tila pinoprotektahan siya kahit na sa likuran din niya ay may baril pa rin na nakatutok.

"She'll marry me." Anito gamit ang malagom nitong boses matapos ay tumingin sa nakaputing lalaking namumutla sa harap nila. "Go on."

Nanginig ang kamay ng lalaking nakaputi na kinuha ang salamin nito na nakalagay sa kwelyo matapos ay tumikhim. Akmang magsasalita na ito nang bigla na lamang kumalabog ang pintuan at pumasok ang sangkatutak na kalalakihan.

"W-what is this?!" Gulat na saad ni Pronto habang litong pinagmamasdan ang mga lalaking may dala-dala ring mga baril.

Maraming mga armadong lalaki ang dumating, mas doble pa sa dami ng tauhan ni Pronto.

Nagtaka siya nang ang pinakahuling lalaki na ang lumabas. Prente lamang itong naglalakad habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabilaang bulsa. Naka-suit pa ito at sa tingin niya ay kasing tanda lamang ni Gray. Kahit may edad na ay naroon pa rin ang pagiging makisig nito, halos pumutok din ang suot nitong suit sa katawan nitong medyo mabato-bato.

Narinig niya ang tunog ng pagngisi ni Geco. "Finally."

Nagtaka naman siya. Nais niya pa sana itong komprontahin nang maunahan siyang magsalita ni Pronto.

"M-mr. Escobar, what is the meaning of this?!" Galit na sigaw ng matanda na umalingawngaw sa buong silid.

Ngumisi si Dreco ang siyang ama ni Geco. "Do you really think I'm Mr. Escobar, Mr. Grayson?" Mapaglaro itong ngumisi sa matanda at tila nasisiyahan ito.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now