Chapter Fourty-Four

388 38 0
                                    


Magkahawak ang kamay na lumabas si Talya kasama si Oddy sa ZHQB2. First time niyang maka-holding hands ang lalaki. Naiilang siya pero malakas naman ang kabog ng kaniyang dibdib at kulang na lang ay sumabog na siya sa kinatatayuan.

Sinilip ni Talya si Oddy sa gilid ng kaniyang mga mata at nakita niya itong pasulyap-sulyap sa magkahugpong nilang mga kamay. Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napangiti.

Ang kamay ni Oddy ay may pagka-magaspang dahil sa pakikipagbuno nito sa mga nakaaway nito. Malaki rin ang palad nito na halos sakupin na ang maliit niyang mga kamay.

Sa totoo lang ay nalinawan na siya. Kanina lang, kinuwento ni Oddy sa kaniya ang pagkamatay ng kaibigan nito. Noong una ay nakita niyang naluluha si Oddy habang nagkukwento. Isinama rin nito sa istorya si Reina. Ipinagkatiwala sa kaniya ni Oddy ang kahinaan nito at masaya siya dahil alam na niya ang mga dahilan kung bakit sumama ito kay Reina kahit siya ang mahal ng lalaki.

Hindi na nagulat pa si Talya nang pagtinginan sila ng kapwa niya estudyante. Mapang-akusang tingin ang ibinigay ng mga ito sa kaniya at hindi naman siya natakot doon. Alam niya ang totoo kaya wala siyang dapat na katakutan.

"Eagan!" Isang matinis at galit na galit na sigaw ang kanilang narinig. Isang Reina ang padabog na naglalakad sa gawi nila. Matalim ang matang ibinigay sa kaniya ng babae. "You're a slut! You snake Eagan away from me! You are aware that Eagan is my boyfriend! Bakit ba dikit ka ng dikit sa kaniya?!"

Kalmado niyang sinalubong ang mga tingin nito. "Huwag kang gumawa ng eskandalo na ikapapahiya mo lang, Reina."

"Don't put the blame on me! Ikaw ang gumagawa ng eskandalo dahil inaagaw mo sakin ang boyfriend ko!"

Unti-unting gumuhit sa kaniyang mga labi ang isang ngisi. Sinilip niya si Oddy at nakitang nakatingin lamang ito sa kaniya. Tila walang balak na mangialam dahil alam naman nitong kaya niya.

"Girlfriend ka lang niya..." Ibinalik niya ang tingin kay Reina. "At fiancee niya ako..." Itinaas niya ang magkahugpong nilang mga kamay at ipinakita ang singsing na ibinigay ni Oddy kanina. "Tingin mo, sinong mas lamang sating dalawa?"

Bumaba ang tingin ni Reina sa kamay nila at nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Babae rin siya. Alam niya ang pakiramdam ng masaktan kaya't hangga't maaari ay magiging mahinahon siya. Kung tutuusin, kaya niyang bigwasan si Reina sa kinatatayuan nito ngunit hindi niya gagawin bilang respeto sa mas nakakatanda sa kaniya.

Naluluhang umakyat ang tingin ni Reina kay Oddy. Nanginig ang mga labi nito. "G-ganoon na lang ba 'yon, Eagan? Talaga bang... talaga bang iiwan mo na ako?"

Nag-iwas siya ng tingin nang makitang tumulo na ang luha ni Reina. Parang kanina lang din ay sinaktan niya si Teo. Hindi niya aakalaing sa araw na ito ay dalawang tao ang masasaktan dahil sa relasyon nila ni Oddy.

"I'm sorry, Reina. You know from the very start that I don't have a feelings for you. I didn't develop that feeling you want me to feel for you." Sagot ni Oddy.

Tumawa si Reina habang lumuluha. Tumingala pa ito sa kalangitan habang ginagawa iyon. Hindi niya alam ang dapat maramdaman. Naaawa siya na naaasar dito. "For all those years, ipinagpilitan ko yung sarili ko sayo. I became your stalker, suitor and all. Halos ibigay ko na yung buong buhay ko sa pag-alam sa mga bagay na ayaw at gusto mo. Pati yung tipo mo sa babae, alam ko. Nagpa-itim ako just for you. Pinahinhin ko yung sarili ko just for you. I didn't know na habang tumatagal ay nagmumukha na pala akong tanga." Muling tumawa si Reina bago pinahid ang luha sa pisngi." "Sabagay, it's my fault naman. I've been blinded by love. Minahal lang naman kita ng todo, Eagan."

Tahimik lamang silang nakikinig. Pati ang mga estudyante ay nanahimik at tinignan lang si Reina na nababaliw na sa kakatawa't kaiiyak.

"And because I really really love you, I'm willing to let you go just for your own happiness." Dumako ang tingin sa kaniya ni Reina. "Gusto kong sumaya ka naman dahil nasaksihan ko yung pagiging miserable mo nang bumalik ako. I thought ako na talaga yung nakatakdang maging happiness mo but I'm wrong. I'm sorry if I blackmailed you just to have you with me." Huminga ito ng malalim. "And about your secret, Eagan, don't worry because I'm not that heartless para ilabas iyon. Sapat na sigurong nakasama kita kahit papaano ng ilang buwan, atleast naranasan ko namang maging girlfriend mo. That's all." Mabilis na tumalikod si Reina habang humahagulgol.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon