Chapter Thirty-Five

422 43 4
                                    


Nagising si Talya na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Masakit ang kaniyang ulo at pumipintig-pintig ang kaniyang ugat.

Dahan-dahan siyang bumangon sa kama habang nakapikit. Naisip niyang upang mawala ang kaniyang masakit na ulo ay iligo na lamang niya iyon.

Nagtungo siya ng banyo at pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin. Nag-toothbrush siya ng kaniyang ngipin bago hinubad ang damit pang-itaas. Tumambad sa kaniyang mga mata ang dalawang pulang marka sa itaas ng kaniyang dibdib.

Nanlaki ang mata niya, naghilamos siya upang makumpirma ngang chikinini ang kaniyang nakikita at hindi nga nagkamali ang kaniyang mata.

Inalala niya ang nangyari kagabi at doon niya napagtanto ang lahat.

FLASHBACK

"Do you like me, Odyssues?" Muli niyang tanong.

Lumunok si Oddy. "I..." Humugot ito ng hangin. "I love you."

Napangisi naman siya at muling hinawakan ang kwelyo nito. "Then start kissing me back, honey." Pinalandi niya ang boses at muling pinaglapat ang kanilang mga labi.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nagdalawang isip pa si Oddy at tinugon ang kaniyang mga halik.

Gumapang ang kamay nito pababa sa kaniyang bewang, dahil na rin sa tama ng alak, nagawa niya ring ibaba ang kaniyang mga kamay sa tiyan nitong mayroong abs na hindi pa masyadong hulma.

Naging mapusok ang kanilang palitan ng halikan, naging mapaghanap. Ang init na dumadaloy sa kanilang katawan ay lumalala habang magkalapat ang kanilang mga balat.

Bumaba ang labi ni Oddy sa kaniyang panga pababa sa kaniyang leeg. Nakikiliti man ngunit mas nanaig ang init na nadarama ni Talya sa kaniyang katawan at wala sa sariling humalinghing.

"Oddy..." Mahina niyang tawag sa pangalan nito habang nakapikit.

Dahil naka-bra lamang siya ay nagawa pang ibaba ni Oddy ang mga halik sa itaas ng kaniyang dibdib. Naramdaman niya ang hapdi nang kagatin at sipsipin ni Oddy ang parteng iyon.

Sabay silang napahiwalay sa isa't isa nang biglang may bumusina sa kanilang likuran. Nanlaki ang mata ni Oddy at tila napapasong mabilis na lumayo sa kaniya matapos ay tinignan ang kotseng nasa likuran nila.

Nakanguso siya nang humiwalay ito. Hindi niya pa gustong matapos ang kanilang halikan.

Sinilip niya ang mga ito na ulo lang ang inilabas. Kinausap ni Oddy ang isang lalaki na isa pala sa ZECOND. Si Prick.

"Kung hindi siguro ako dumating, may nangyari na sa inyo." Natatawang pahayag ni Prick.

"Shut the fuck up, Taranza! Sunduin na natin si Hecate!"

Hindi na niya masyadong napakinggan ang nangyayari dahil bumigat na ang talukap ng kaniyang mga mata. Dahan-dahan siyang sumandal sa kinauupuan hanggang sa lamunin na siya ng antok.

END OF FLASHBACK

Nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi. Talaga bang nagawa niya ang bagay na iyon? Talaga bang siya mismo ang humatak kay Oddy para halikan siya? Talaga bang nagawa niyang akitin ito?

At ang pinakakatanungan sa isip niya, talaga bang sinabi ni Oddy na mahal siya nito? O nagkamali lang ang kaniyang pandinig?

Nagtagal siya ng ilang oras sa banyo dahil nagbabad pa siya sa bathtub kakaisip ng sagot sa kaniyang nga tanong. Nakagat na lamang niya ang labi, bakit naman kasi nalasing siya sa orange juice lamang?

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now