Chapter Thirty-Six

380 39 0
                                    


Pauwi na si Talya, nag-aabang sa kanya ang kotseng itim at dalawang motor na sakay ang bodyguards niya sa labas ng gate. Kasabay niya naman naglalakad si Teo na ihahatid lamang siya doon.

Nadaanan ng kaniyang tingin si Reina na nakasimangot. Nang makita siyang nakatingin dito ay agad siya nitong inirapan na sinuklian niya lang din ng pag-irap. Naisip niyang kaya siguro ito nakasimangot ay dahil nga wala si Oddy.

Humarap siya kay Teo nang tuluyan na silang makalabas ng paaralan. "Salamat sa paghatid, Teo."

Napakamot naman sa batok si Teo, nahihiya sa kaniya. "Basta ikaw."

Napahagikgik na lang siga dahil ang cute nitong tignan sa ganoong reaksyon.

"Sige, papasok na ak---" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang makarinig sila ng putok ng bala.

Ang mga estudyanteng papalabas pa lamang ay agad na nagkagulo. Nag-unahan na rin sa pag-andar ang mga sasakyan kaya naman nagkaroon ng traffic sa daanan.

"Shit!" Agad siyang hinila ni Cevin papasok ng kotse, isinabay na rin nito si Teo upang hindi ito mapahamak matapos ay sumakay ito sa driver seat at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Ang dalawang bodyguard niya naman ay naging alisto sa paligid. Hindi nila alam kung saan nanggagaling ang putok ngunit hindi dapat sila magpadalos-dalos lalo na't maraming tao ang nasa paligid.

Muli silang nakarinig ng putok ng baril. Pinrotektahan naman siya ni Teo gamit ang katawan nito.

"K-kuya---"

"Shhh! We can handle this!" Putol ni Cevin sa sasabihin niya, agad itong may tinawagan sa telepono. "We're chased. Yes. We need a back up. Asap."

Unti-unting umusad ang mga sasakyan at mabilis silang nakalusot. Mabilis na pinaharurot ni Cevin ang sasakyan sa maluwag na kalsada hanggang sa unti-unti silang nakalayo.

"M-may sumusunod po satin!" Nanlalaki ang matang sigaw ni Teo habang nakatingin sa likuran nila.

Nang tumingin din siya'y nanlaki din ang kaniyang mga mata. Tatlong kotse at limang naka-motor ang sumusunod sa kanila.

Mabilis na iniliko ni Cevin ang sasakyan upang umiba ang kanilang daan. Nag-umpisa na ring magpaputok ang mga ito.

Bulletproof ang kanilang sasakyan kaya naman hindi tumagos ang bala sa loob na ikinahinga niya naman ng maluwag. Akala niya kasi'y matatamaan sila.

"Do you know how to driver?" Tanong ni Cevin na tumingin sa salamin na kumonekta sa mata ni Teo.

"B-bakit---"

"Just fucking answer me!"

"O-opo!"

"Come here! Drive faster as you can!"

Lumapit si Teo sa driving seat habang si Cevin naman ay naupo sa passenger seat. Nanginginig ang kamay na nag-drive si Teo habang si Cevin ay naglabas ng baril, binuksan ang bintana ng kotse at nag-umpisa na ring magpaputok.

Nanginginig naman siya sa takot. Bakit ba sila sinusundan? Ano ang pakay ng mga ito sa kanila? May nagawa ba silang masama kaya't nagagawa sila nitong barilin?

Dahil sa kakaliko ng sasakyan upang ligawin ang mga ito ay hindi na niya alam kung saan sila lumulusot. Bago sa kaniyang paningin ang kanilang dinaraanan, nakakatakot at madilim.

"Duke!" Sigaw ni Cevin nang bumagsak ang sinasakyang motor ni Duke na isa sa bodyguard niya.

Nakaawang ang bibig na pinagmasdan na lamang niya ang papalayong motor ni Duke. Namumuo na ang luha sa kaniyang mga mata, hindi na niya kaya ang nangyayari!

Stupid SpecieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora