Chapter Twenty-Five

418 38 0
                                    


Patingin-tingin si Talya sa paligid habang iniiwasan ang mga matang nakatitig sa kaniya ng may kasamang pangungulila.

Nasa harapan niya lang naman si Kylo dahil nag-request itong makausap siya sa hindi malamang kadahilanan. Naiilang siya dahil hindi man lang ito nagsasalita ngunit nakatitig naman sa kaniya. Sa totoo lang ay may mainit na humahaplos sa kaniyang puso sa titig nito, hindi niya rin maintindihan ang nadarama sa mga oras na ito.

Tumikhim siya at umayos ng upo. "A-ah... May sasabihin po kayo?"

Napakurap-kurap ito ng ilang beses na tila nagising na sa reyalidad. "Oh sorry." Ngumiti ito sa kaniya ng malaki. "Caoilfhoinn right?"

Napangiti naman siya dahil tama na naman ang pagkakabanggit nito sa kaniyang pangalan. "Opo, sir."

Bumaba ang tingin ni Kylo sa kwintas niya. Bumakas ang sakit sa mukha nito matapos ay muling tumingin sa kaniyang mga mata. "S-sabi mo, bigay yan ng tatay mo diba?" Tukoy nito sa kaniyang kwintas.

Masaya naman siyang tumango at hinawakan ang kwintas gamit ang kanang kamay. "Opo, sir. Kahit hindi ko po alam ang pangalan ng tatay ko, alam ko pong mahal na mahal niya ako dahil nagawa niya po akong ukitan ng kwintas." Bumaba ang tingin niya sa kwintas at ngumiti. "At mahal ko rin po siya kahit hindi ko siya kilala."

Bumakas muli ang sakit sa mata ni Kylo na agad ring nawala sa dalawang kurap lamang. Ngumiti ito sa kaniya kalaunan. "Oo nga. Your father loves you. Nagawa ka niyang ipag-ukit ng kakaibang pangalan. Siguro gusto niyang ikaw lang ang may ganyang pangalan, ganyan ka siguro kaespesyal sa puso niya."

Mas lalo siyang napangiti. Hindi niya batid kung bakit ganoon na lamang siya kakomportableng kausapin ito ngayon samantalang kanina ay naiilang siya dito. "Gusto ko po tuloy siyang makilala." Aniya at tumawa ng hilaw. "At gusto ko rin pong makilala ang mama ko." Mahinang sabi niya na tila pabulong na lamang ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Kylo.

Hindi niya nakitang kumuyom ang kamao nito at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Huminga ng malalim bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. "Alam kong mangyayari rin iyan, Caoilfhoinn. Hindi pa siguro ngayon."

Hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. Mabait pala ito. "Salaman po, sir."

"Drop the sir, Caoilfhoinn. Just call me t-tito." Muli itong nag-iwas ng tingin bago napalunok.

"Sige po, tito."

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Primo. Bumungad sa mukha nila ang seryosong mukha ni Cevin. Iyon na naman ang tila pamilyar nitong mga mata na palagi niya ring nakikita sa mata niya.

"Dad, we need to go." Anito at mabilis lang siyang tinapunan ng tingin.

Napapikit ng mariin si Kylo bago tumayo mula sa pagkakaupo. Huminga ito ng malalim at tinignan siya bago ngumiti. "S-salamat, Caoilfhoinn."

Agad naman din siyang tumayo. "Salamat saan po?"

"Basta." Muli itong nag-iwas ng tingin. "We're leaving, Caoilfhoinn. Take care."

"Bye-bye po! Ingat po kayo ni Cevin!" Maligayang saad niya.

Tinanguan siya ni Cevin matapos ay nilapitan naman siya ni Kylo. Hindi na siya nakapagsalita pa nang bigla siya nitong higitin at yakapin ng mahigpit. Tila'y napipi siya bigla.

"Please, take care of yourself." Tila desperado nitong bulong bago kumalas at iniwan siya doon.

Naitaas niya na lang ang kanang kilay sa pagtataka ngunit ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon bago lumabas ng opisina ni Primo.

"Hello, master!" Bati niya nang makita si Primo sa daan.

Nang tignan siya nito ay bigla siyang nailang. Bakas ang kaseryosohan sa mukha nito at tinitigan siya ng ilang segundo bago ngumiti. "You should rest, Talya. I know you're tired."

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon