Chapter Eight

427 53 3
                                    


Isang buwan na ang nakalipas nang tumira si Talya sa bahay ng pamilya Vladimir. Dalawang linggo na rin ang nakararaan nang mag-umpisa na siyang turuan ng dalawang tutor niya. Ang isa ay si Phemie sa ingles at ang isa ay si Kiera na tutor niya naman sa lahat ng subject bukod sa ingles.

Sa araw-araw ay palagi lang siyang nasa library upang mag-aral. Nakikita niya lang sila Oddy, Cate at Pollo kapag kakain na sila sa dining kaya nga minsan nami-miss niyang makipagkulitan kay Pollo dahil ang madalas niya lamang nakikita ay si Phemie, Primo at Kiera.

Sa totoo lang, habang patagal ng patagal ay nabuburyo na siya. Nakakaburyong palaging nasa library at hawak ang mga libro. Nakakaburyo ang pag-aaral. Ngunit pumapasok din sa isip niya, paano siya matututo kung ganoon kadali niya lang susukuan? Kailangan niyang magtiyaga dahil para sa kaniya rin naman iyon. Hindi pwedeng naghirap lang sila Phemie at Primo sa wala, kailangan niya pang magpurisgi upang kahit papaano, sa pamamagitan niyon ay makabayad siya sa tulong ng mga ito sa kaniya.

Lumabas siya ng banyo at naiilang na ngumiti kay Cate. "Okay lang ba?" Tanong niya dito.

Pumalakpak ng isang beses si Cate. "I told you! It will fit in your body!"

Hindi pa man ganoon kagalingan sa ingles ay paunti-unti na niya iyong natututunan.

Napahinga na lang siya ng malalim. Naiilang siya sa kaniyang suot na dress. Kulay pink iyon na sleeveless at hindi umabot sa tuhod ang haba. Sa likuran ay may butas na pa-heart shape na mas lalong ikinailang niya. Nakasuot siya ng doll shoes at hindi siya sanay doon. Ang buhok niya ay ponytail lamang na may naiwan ng kaunti sa harap bilang disenyo. Wala siyang kolorete sa mukha. Simple ngunit may dating.

Maganda man siya sa suot niya ngunit mas gugustuhin niyang magsuot ng t-shirt upang itago ang braso. Mas gusto niya rin ang maong dahil lampas iyon hanggang sa kaniyang tuhod. At mas lalong mas gusto niyang magsuot ng rubber shoes upang madali lang siyang makatakbo.

"You're pretty talaga 'no? But I'm much more prettier than you. Haha!"

Napaangat ang kanang kilay niya. "Excute me? Based on my researcher, I beautifully pretty then you."

Napaikot ang mata ni Cate. "Feeling ko ikaw talaga ang anak ni mommy. Wag mo na nga akong inglesin!" Pagtataray nito sa kaniya. "Let's go na. Baka mahuli pa tayo." Anito at hinila na siya palabas ng kwarto niya.

Saan sila pupunta? Sa laro nila Oddy. Ngayong araw na kasi ang league ng mga ito. Talagang puspusan din ang paghahanda ni Oddy na halos umaga pa lang ay lalarga na ito sa practice. Isang beses niya lamang nakitang maglaro ng basketball si Oddy at iyon ang araw na sinama sila nito ni Pollo sa practice.

Nang makarating sila sa parking lot ay naroon na ang kotseng sasakyan nila. Umupo silang dalawa sa pinakalikod, si Primo ang driver at si Phemie ay sa passenger seat. Si Pollo ay nasa gitna nila na naglalaro sa cellphone nito. Si Oddy naman ay nauna na sa court kung sa gaganapin ang laro.

Pinaandar na ni Primo ang sasakyan paalis. Katahimikan ang bumalot sa kanila kaya't naisip niyang tignan na lamang ang labas ng bintana. Hindi talaga siya nagsasawang tignan ang tanawin sa tuwing makakalabas siya ng mansyon dahil maganda iyong pagmasdan.

"This is your first time watching oppa Oddy play, ano?" Biglang basag ni Cate sa katahimikan na siya pala ang kausap kaya't napaharap siya dito. "Actually, oppa is a good---no pala, the best player in ZECOND. Of course, he's the number one kaya. That's why bilang little sister niya, I'm so proud of him!" Sabi ni Cate na napapangiti.

Napangiti naman siya. Siya man din ay proud dito kahit hindi siya nito kamag-anak. Isang beses niya pa lang itong nakitang maglaro ngunit napahanga na siya nito sa isang beses na iyon. Magaling na captain at pursigido.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now