Chapter Thirty-One

376 38 20
                                    


"Welcome to your new home, Caoilfhoinn." Nakangiting sabi ni Kylo sa kaniya habang akbay siya nito.

Nakangiti rin siya ng malapad habang pinagmamasdan ang bahay ni Kylo. Ito pa lang ang ikalawang beses na tumapak siya sa bahay na ito. Mas magaan nga lang ang kaniyang pakiramdam kesa noong una.

Dahil napatunayang si Kylo talaga ang kaniyang ama ay mabilis nitong inasikaso ang kaniyang mga papeles. Ngayon, isa na siyang Grayson. Hindi pa rin siya sanay na nabago na ang kaniyang apelyido ngunit natutuwa naman siya dahil sa wakas ay totoo na ang kaniyang apelyido. Iyon talaga ang dapat na nakadugtong sa kaniyang pangalan.

Dalawang araw na ang nakalipas nang ipagpaalam siya ni Kylo sa bahay ng mga Vladimir. Ang pamilyang iyon ay natutuwa dahil sa wakas ay may matatawag na rin siyang kaniyang pamilya. Todo-todo rin ang pasasalamat niya dahil kinupkop siya ng mga ito na naging dahilan naman para maipaglapit ang mundo nila ng kaniyang ama.

Naramdaman niya ang isang kamay na pumatong sa kaniyang balikat. "Welcome." Ani Cevin at nakapamulsa ng nauna sa loob.

Natawa ng mahina si Kylo. "He's just like that but don't worry, your kuya is happy that you're here."

Gusto niyang mapataas ng kilay. Happy? Wala sa itsura nito. Pero natutuwa naman siya dahil may matatawag na rin siyang kuya niya.

Pumasok na sila sa loob ng bahay habang akbay siya ng kaniyang ama. Masaya itong inilibot siya sa buong kabahayan. Halos sumuko na ang kaniyang katawan dahil malaki ang bahay kaya't naisipan nitong magpahinga na muna sila sa garden.

Magkatabi silang naupo sa bench habang tinatanaw ang naggagandahang mga halaman sa paligid at ang mga paru-parong nagliliparan sa ere.

"You really looks like your mother."

Natigil ang paglilibot niya ng tingin sa paligid at dumako kay Kylo na may pangungulilang nakatitig sa kaniya.

Natigilan siya ngunit kalauna'y agad ring ngumiti. "Siguro, tatay, mahal na mahal niyo po si nanay."

Malungkot na nagbaba ng tingin si Kylo. "Sobra. Mahal na mahal ko siya."

Nakagat niya ang ibabang labi at pinipigilan ang pamumuo ng kaniyang luha. Ang sabi kasi ni Kylo sa kaniya, wala na ito. Pagkapanganak pa lang daw sa kaniya ay agad din itong binawian ng buhay.

"Tay, kwento naman po kayo tungkol kay nanay." Aniya ng nakangiti, pinapagaan ang loob nito.

Tumango-tango si Kylo at may pinahid na muna sa mata bago nag-angat ng tingin. "Your mother is a British. She has the same face like you except the nose, lips and the shape of your face." Huminga ito ng malalim. "Una kaming nagkita sa Divisoria. Her car was carnapped at dahil magkaparehas kami ng model ng kotse, she accused me." Natawa ng mahina si Kylo na inaalala ang nakaraan.

"Tapos po?"

"Nagpunta kaming presinto, ni hindi niya man lang naisip na may placard ang kotse ko at iyon muna sana ang tinignan niya. I was surprise when she speak tagalog with accent. Naartehan nga ako sa pagsasalita niya ng tagalog that time." Nakangiting napailing-iling ito. "Simula noon, lagi na kaming nagkikita coincidentally. Si destiny na ang gumagawa ng paraan para magka-lovelife ako."

Napapangiti na lang din siya. Tila kasi ang saya ni Kylo noong mga panahong iyon.

"Nagsimula kaming mag-date nang yayain ko siya. I courted her and end up being her boyfriend. We love each other so much." Nakita niya ang paglunok nito. "But Don Pronto break us apart. He wanted me to take his place, dahil sa takot na baka saktan niya si Cresha, sinunod ko ang mga gusto niya. That leads Cresha to leave Philippines. Bumalik siya sa British. After two years, she comes bac---" Natigilan si Kylo at napatingin sa kaniya.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon