Chapter Thirty

376 40 4
                                    


"Nurse, saan po dito yung room ni Kylo Jastin Grayson?!" Kinakabahang tanong ni Talya sa isang nurse na nahawakan niya.

"Miss, you need to calm down." Pagpapahinahon sa kaniya nito.

"I can't! How can I fucking calm down if my father is in a dangerous situation?! Tell me!" Sigaw niya dahilan para makakuha siya ng atensyon sa loob ng ospital.

"M-miss---" Hindi na alam ng nurse ang gagawin dahil kaunti na lang ay magwawala na siya.

May brasong bigla na lamang pumulupot sa tiyan niya paikot. "It's okay, miss. I can handle this. Where's uncle Kylo's room?"

Saglit na natulala ang nurse. "A-ano po bang full name, sir?"

Gusto niya itong panlisikan ng mata. Sinabi na kaya niya kanina!

"Kylo Jastin Grayson." Sagot ni Oddy dito.

Tumingin ang nurse sa hawak nitong file saka hinanap ang pangalan ng taong hinahanap nila. "Third floor in room 138, sir."

"Let's go." Hinila na siya ni Oddy patungong elevator.

Nang makapasok ay pinindot ni Oddy ang third floor. Iyon na naman ang pag-ikot ng kaniyang tiyan sa tuwing sasakay siya ng elevator. Hindi talaga siya sanay pero dahil natataranta siya ay hindi niya iyon alintana.

"What am I going to do? What am I going to do? This is my fault. My faul---"

"Hey." Sita ni Oddy sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "I'm still surprise because you can now speak in english but..." Saglit nitong binitin ang sasabihin. "Whatever it is, it's not your fault, okay? Hindi na ako nagulat nang tawagin mo kaninang 'father' si uncle Kylo, mas nagulat pa nga ako nang diretso kang magsalita ng ingles." Bahagya itong natawa. "But please, don't put the blame on you. Hindi mo ito kasalanan. This is no one's fault."

Dahil sa sinabi nito, kahit papaano ay napakalma niyon ang isipan niya ngunit hindi pa rin talaga mawawala sa sarili niya ang pagkataranta dahil sa pag-aalala.

Bumukas na ang elevator at mabilis naman nilang tinahak ang daan patungong room 138.

Nang makita ni Talya ang silid ay mabilis niya iyong binuksan. Naluluhang tinignan niya ang nakahiga sa kama, nakita niya doon si Kylo na nakapikit at si Cevin na nakaupo lamang sa sopa sa hindi kalayuan.

Tinakbo niya ang pagitan nila ni Kylo. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "S-sorry po. Sorry po kung naging matigas ang ulo ko. Sorry po kasalanan ko po ito." Humagulgol siya sa dibdib ni Kylo at ilang beses na sumigok. "Huwag po kayong mamatay, please. Ngayon ko pa lang nakilala ang... t-tatay ko. Huwag niyo naman po sana akong iwan. H-hindi ko po kakayanin kung mawawala na naman po kayo sakin. Ilang taon ko po k-kayong hinintay."

"Don't worry, hindi naman ako mamatay." Dalawang bisig ang bigla na lamang din yumakap sa kaniya pabalik.

Gulat na napamulat siya ng mata at napalayo dito. Nakita niya si Kylo na nakadilat ang mata at nakangiti ng matamis sa kaniya.

"H-hindi kayo mamatay?" Tanong niya.

Natawa ito ng mahina. "Sinong nagsabing mamatay ako?"

Umikot ang mata niya at dumako kay Cevin na bagot na nakasandal sa sopa. Sigurado siyang ito ang tumawag sa kaniya kanina.

Napailing si Kylo. "Walang namamatay sa pagkadapa lang, Caoilfhoinn."

Napakurap-kurap siya ng ilang beses. "Nadapa lang kayo? Eh bakit nandito kayo sa ospital?"

"OA lang kasi si Cevin. Siya ang nagdala sakin dito."

Napasimangot siya at pinanlisikan ng mata si Cevin na nginisian lang siya. May pa 'serious situation' pa itong nalalaman pero nadapa lang pala. Ito ang mas tamang tawaging OA.

"Uhm... Caoilfhoinn?" Nabalik ang tingin niya kay Kylo. "Can I talk to you privately, anak?" Tanong nito.

Anak. Tila ang sarap sa pandinig na matawag siyang anak. Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso nang marinig na may tumatawag na ngayon sa kaniyang anak.

Tinignan niya naman si Oddy sa mata at tila naintindihan naman nito ang pahiwatig niya kaya't lumabas na ito ng silid. Si Cevin naman ay iningusan muna siya bago sumunod kay Oddy.

Binalingan niyang muli si Kylo at naupo sa isang upuang kalapit ng kama nito. Umayos din ng upo si Kylo at isinandal ang katawan sa headboard ng kama.

Nagbaba siya ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri na nakalagay sa kaniyang hita. Pinakiramdaman niya lamang ang paligid. Rinig niya ang pagtikhim ni Kylo upang pukawin ang kaniyang atensyon.

"I... I'm sorry, Caoilfhoinn. I'm sorry because I lefted you in your lolo's side. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo habang lumalaki k-ka." Nabasag ang boses nito. "I k-know wala akong kwentang ama para iwanan ka. I just don't know what to do anymore."

Nag-angat siya nang tingin upang makita lamang si Kylo na nagpupunas ng luha. Mabilis na hinawakan niya ito sa kamay. "P-pwede niyo po bang ikwento sakin kung bakit niyo po ako iniwan kay lolo Moseng?"

Tumingin sa kaniyang mata si Kylo at nakangiting tumango. "Kakapanganak pa lang sayo nang dalhin na kita agad papunta sa lolo Moseng mo. Why? Because your life is in danger back then. Nagbalak si Don Pronto na kunin ka, palakihin at gawing isa sa mga assassin niya---"

"S-sandali. Hindi ko po maintindihan. Sino si Don Pronto? Ano po ang assassin?"

Ngumiti si Kylo. "Assassins are a murderer of an important person in a surprise attack for political or religious reasons. They're a hired killer, anak." Mahina siyang napasinghap. "Si Don Pronto naman ay ang lolo mo din." Saglit siyang nalito ngunit kalauna'y nanlaki ang mata niya. "Yes, he's my father."

Naguguluhan niyang tinignan ang kaniyang ama. "B-bakit niya naman po ako gagawing assassin? Ano po ba siya? Pero apo niya po ako diba?"

Nagbaba ng tingin si Kylo. "Sad to say, my father is a mafia boss. He do illegal things for money. Kahit kami ay gusto niyang sumunod sa mga yapak niya. He wants us to take over his throne." Tumingin ito sa mga mata niya. "Dahil hindi kami sumunod sa kaniya, gusto niyang kunin ka na lang para pumalit din sa kaniya."

"Sino pong kami?"

Nag-iwas ng tingin si Kylo. "My brother. Anyway..." Nagulat siya nang bigla itong bumaba sa kama. "Gabi na. You should take a rest." Lumapit ito sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo.

Nagtataka man ngunit hindi na siya nag-usisa pa. Alam niyang may itinatago si Kylo sa kaniya. Hindi pa nito natatapos ang kwento ay tumigil na agad ito. Isang malaking misteryo sa kaniya iyon na nagpalaki sa kuryosidad niya. Hindi siya titigil hangga't hindi iyon nalalaman.

***

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now