Chapter Seventeen

403 49 10
                                    


Nakakunot ang noo ni Talya habang pinagmamasdan si Cate na tawa ng tawa habang hawak ang cellphone nito. Marahil ay may pinapanood na katawa-tawa.

Nagpabango na muna siya bago lumapit kay Cate at tinapik ito sa balikat. "Anong pinapanood mo?"

Lumingon sa kaniya si Cate ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa cellphone. "Yung time na naligo sa putik ang girl classmates mo, unnie. Nakakatawa talaga 'no?" Anito.

Naupo rin siya sa dulo ng kama, sa tabi ni Cate. "Ha? Kailan yun? Bakit classmates ko?"

Napataas ang kilay ni Cate. "Seriously? You don't know?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sarkastikong aniya saka umirap.

"Here," Anito sabay bigay ng cellphone sa kaniya. "Watch this."

Natahimik naman siya at pinanood ang video. Sa video ay nakahilera ang mga kaklase niyang babae na alam niyang sa arena banda na tila takot na takot. May iba pang nag-iiyakan na dahil sa takot. Nangunot naman ang noo niya. Anong nakakatakot sa pagtayo lang sa harap?

Napasinghap siya nang may naghagis ng lobo sa mga ito na may lamang putik. Kasunod ay ang mga halakhakan ng mga manonood na hindi niya alam kung nasaan, marahil nasa likod ng camera.

"Ayoko na!"

"I'm scared!"

"Ahh! My clothes!"

"Please, stop na this!"

Sigawan at tilian ang maririnig niya sa mga kaklase niyang babae. Nandidiri ang mga ito ngunit hindi naman nagawang umalis sa kinatatayuan sa hindi malamang kadahilanan.

"Sasaktan niyo pa ba ang prinsesa namin?!" Base sa boses ay alam niyang si Kiko iyon.

Agad na nagsi-ilingan ang mga babae at nangako pang hindi na muling uulit.

"But we're not done yet! Fire!" Sigaw naman ng isa pang lalaki na nasisiguro niyang si Rei.

Kasunod noon ay ang sunod-sunod na namang mga lobo na may lamang putik. Tumama iyong lahat sa mga kaklase niya sa harap. Hindi pa nakontento at may nagbato pa ng mga itlog, harina at may naligaw pa na bawang at sibuyas.

"Ayos! Tapos na ang trabaho! Halina't magsaya!" Sigaw ni Owen sa video. Hindi niya nakikita ang ZECOND ngunit naibabase niya naman sa boses ng mga ito.

Kinuha na ni Cate ang cellphone nang matapos na ang video. Tatawa-tawa ito habang binubulsa ang cellphone. "That's so funny! 'Yan ang napapala nila sa pagbangga sayo!"

Natanga siya. "Ha? What? I don't nothings!" Nanlalaki ang butas ng ilong niyang tanong. Sigurado siyang wala siya sa arena nang araw na iyon. Inosente siya!

Nakatikim siya ng batok kay Cate kaya't napakamot siya sa ulo. "Gaga, I didn't mean na ikaw ang gumawa niyan. What I mean is utos 'yan ni oppa just for you."

Naituro niya ang sarili. "S-sakin? Bakit?" Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. Assuming pa naman siya.

"Because you're their princess---oh let me correct that, you're oppa Oddy's princess! Gosh, you're clueless talaga!" Tila nai-stress na sagot ni Cate. "Your face is all over the group page na kaya! Nakalagay 'ZECOND's PRINCESS', nakakagulat yung balitang yun but that's for the best. It's for you naman so I'm not against it." Dugtong pa ni Cate.

"P-pero bakit?"

"Why would I know? Why don't you ask oppa na lang about that?" Anito at tumingin sa relong pambisig. "And it's time. Let's go na nga."

Stupid Specieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن