Chapter Fourty-Five

346 38 2
                                    


Patalon-talon si Talya habang papalabas ng kaniyang kwarto. Mabilis niyang narating ang dining area at nakangiting binati sila.

"Good morning, people!" Sigaw niya na naka-angat pa ang dalawang kamay sa ere. Mabilis niyang hinalikan sa pisngi si Gray, Kylo at Cevin saka naupo sa tabi ng ama.

Pinagsilbihan siya ng mga katulong ngunit tinanggihan niya iyon at siya na ang nagsalok sa sariling pagkain. Nilagyan na lang siya ng juice ng isang katulong sa gilid.

"Hmm... Ang sarap!" Mahinang tili niya bago sumubo ulit ng kinakain. "Sa susunod magpapaturo na ako kung paano magluto para naman kapag nag-asawa na ako, may alam naman ako, diba?" Nakangiti niyang sabi habang naghihiwa ng manok.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Kylo. "Mabuti naman at naiisip mo 'yan---"

"Hindi ka mag-aasawa." Putol ni Gray sa kapatid.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa ama habang unti-unting nakukunot ang noo. "Bakit naman,'pa?"

Ibinaba ni Gray ang kutsara't tinidor sa gilid bago kinuha ang baso na may lamang tubig. "We can provide your needs. Hindi mo kailangang mag-asawa."

"Gray---" Pinutol muli ni Gray ang sasabihin ni Kylo.

"Caoilfhoinn doesn't need a boyfriend or a husband. I don't wanna see her hurting because of that."

Napanguso siya. "Pero papa, kailangan ko rin yun. Kailangan ko ng makakasama ko hanggang sa pagtanda." Mahinahong saad niya.

"Kami ang makakasama mo sa pagtanda."

Mahinang naiiling si Kylo. "Seriously, Gray?"

"I'm serious." Matigas na sabi ni Gray.

Mahinang natawa si Kylo. "Dude, normal na tao lang si Caoilfhoinn. Darating ang araw at mararamdaman niya rin ang pagmamahal. Imposibleng hindi siya magkakaroon ng asawa doon."

Tumikhim si Cevin na tahimik lamang na nagmamasid kanina. "She has a fiance already." Anito na ikinalaki ng nata niya. Paano nitong nalaman gayong wala pa naman siyang pinagsabihan?

"What?!" Hindi naiwasang mapatayo ni Gray at tinignan siya ng tiim-bagang. "Caoilfhoinn!"

Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Kylo, Gray at Cevin ngunit mas tumagal ang tingin niya kay Cevin. Nakita niya itong nagbaba ng tingin sa kaniyang kamay.

"There's a ring in her finger that's why I assumed that she has a fiance." Anito na ang kamay palang may singsing na suot ang tinitignan nito.

Parehas na napatingin si Kylo at Gray sa kamay niya at nakita niya kung paanong dumilim ang mukha ng mga ito. Kinabahan siya, lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at nag-aalala siya sa kung anong mangyayari.

"Who's your fiance?" Madilim ang mukhang tanong ni Gray.

"A-ah pa---"

"Caoilfhoinn." Ani Kylo na isa ring may madilim na mukha.

Nagpunas si Cevin ng labi bago ibinaba ang tissue. "It's Odyssues Eagan Vladimir, right? You we're with him yesterday."

"Kuya!" Inis niyang sambit ngunit nagkibit-balikat lang ang lalaki at iniwan na sila doon.

Tinignan niya si Gray at Kylo, nakita niyang umaalis na ang mga ito sa dining area. Hindi maganda ang kutob niya dito.

***

"Fiance?!" Gulat na tanong ni Phemie kay Oddy at napatayo pa sa sopang inuupuan.

Nakangising tumango-tango si Oddy. "Yes, I proposed at Talya yersterday."

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now