Chapter 1

763 82 8
                                    


"So, you mean Pilipina ka?" Nanlalaki ang matang tanong ni Cate habang namamanghang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha niya.

Umikot ang mata niya rito. "Oo nga."

"But you look like a foreigner." Mahina nitong sabi.

Nangunot ang noo niya at mabilis na pinaningkitan ito ng mata. "Minumura mo ba ako?"

"No—I mean hindi!" Agap nitong sagot saka umirap. "Bakit hindi ka marunong mag-english? Ganoon ka ba ka-poor?"

"Ba't ba ang dami mong tanong?" Naiirita niyang sabi.

"Kasi may mouth ako. I can say whatever I want to say."

Muling nanlisik ang mata niya rito. "Minumura mo 'ko?"

"Hindi nga kasi!"

Napasandal siya sa headboard ng kama. Nasa ospital pa rin siya, hindi niya nga nagugustuhan ang amoy rito. Parang gusto niyang masuka. Pero hindi niya rin maitatangging masarap higaan ang kama dahil malambot iyon. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang beses na nakahiga siya sa malambot na bagay.

Nakapagpalagayan niya na rin ng loob si Cate kahit may pagka-maarte ito. Wala rin sa loob ng kwarto ang mga magulang at kapatid nito dahil nauwi na muna habang nagpaiwan si Cate. Gusto pa raw siya nitong makilala.

Bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Phemie na kasama ang anak nitong si Oddy.

"Hi, hija." Pabungad na bati ni Phemie sa kaniya. "Nagdala ako ng pagkain para sa 'yo."

Tamad na ibinigay sa kaniya ni Oddy ang paper bag. Nang buksan niya ay naglalaman iyon ng tupperware. Sigurado siyang pagkain ang nasa loob niyon kaya't binuksan niya at umalingasaw ang mabangong amoy sa paligid.

"Ano 'to?" Tanong niya at inamoy-amoy iyon.

"Steak 'yan, hija." Sagot ni Phemie at umingos lang si Oddy na naupo sa hindi kalayuang sopa.

Napatango siya. 'Stick'. Bagay dito dahil kakarampot lang naman. Sinong mabubusog sa ganitong klaseng pagkain? Mabuti na lang at may isip pa rin ang gumawa dahil pinangalanan itong Stick.

"Mom, why Steak?" Tanong ni Cate na bumaling sa ina.

"Luto ni uncle Azriel mo 'yan. Masarap 'yan." Sagot ni Phemie sa anak.

"But where's mine?"

"Sa bahay."

Hindi na niya pinansin ang mga ito at dinampot na ang Steak. Kinagatan niya iyon at nginuya-nguya. Hindi na masama para sa isang Stick. Masarap din naman pala pero sigurado siyang hindi niya iyon ikabubusog. Pero atleast, magkakalaman ang kaniyang tiyan kaya't ayos na iyon kaysa wala.

"What the—"

Napatingin siya kay Cate at nakitang nakatakip na ang kamay sa bibig nito. Bakit? Ganoon na ba kabaho ang amoy ng hininga niya? Kahit sa layo nito ay maaamoy pa? Nang dumako ang paningin niya kay Phemie ay nakanganga naman ito. Tumingin din siya kay Oddy ngunit nakangiwi ito. Bakit ba?

Dalawang kagat lang ay naubos na niya ang Steak. Itinaas niya ang tupperware at dinilaan ang sauce ng Steak. Masyado kasi iyong masarap saka isa pa, hindi uso sa kaniya ang magtira ng pagkain. Hangga't maaari ay kailangan niya iyong simutin dahil sigurado siyang kinabukasan ay wala na naman siyang kakainin.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now