Chapter Five

538 66 3
                                    


Binuksan ni Talya ang pinto ng kwarto ni Pollo. Nakita niyang nagkalat ang mga laruan nito habang may iginuguhit naman ito sa kwadernong nasa sahig.

Dahan-dahan niya itong nilapitan. "Pollo---"

"Shhh..." Pagpapatahimik nito sa kaniya na inilagay pa sa labi ang daliri. "Don't make any noise. Quiet." Pabulong nitong sabi saka ibinalik ulit ang tingin sa iginuguhit.

Nakaawang ang bibig na pinagmasdan niya ang bata. 'Anak ng---kahit bata, marunong magmura? Maturuan nga ng murang tagalog.'

Dahan-dahan siyang naupo sa tabi nito at sinilip kung anong ginuguhit nito. Gusto niyang mapatampal sa noo, hindi niya naiintindihan ang drawing nito. Marahil ay bata pa kaya't hindi ito marunong sa paghawak ng lapis.

Bumukas ang kwarto ni Pollo at bumungad ang bihis na bihis na si Cate. "I'm going na ha? Take care Pollo while we're not here."

Nangunot ang noo niya. "Minumura mo ba---"

"Hindi!" Agad na sagot ni Cate bago pa man niya itanong. "Aalis na ako. Bye!" Anito at nanakbo na paalis.

Nanlaki ang mata niya at agad na tumayo mula sa sahig. "S-sandali---" Nang tignan niya ang labas ay wala na ito.

Bagsak ang balikat na muli siyang naupo sa sahig, sa tabi ni Pollo. Gusto niya kasing sumama dito. Kahit isama nila si Pollo ay ayos lang. Hindi pa kasi siya nakakalabas ng mansyon. Gusto niyang makita kung ano ang buhay ng mga mayayamang tulad nito.

Tinignan niya si Pollo at ngayo'y kinukulayan na nito ang kaninang iginuhit na tila isda ang ulo at stick ang katawan.

Ngayon na kasi nag-umpisa ang pagbabantay niya kay Pollo. Umalis na rin kaninang umaga si Phemie at Primo, naiwan silang apat ni Oddy, Cate, Pollo at siya. Hindi naman literal na apat na lang sila dahil maraming katulong ang paparoo't parito.

Bumukas muli ang pinto ng kwarto ni Pollo ngunit sa pagkakataong ito ay nakasimangot na si Oddy ang bumungad sa kaniya. May dala itong bag na pumasok sa loob saka isinara ang pinto.

Tinignan nito si Pollo at nilapitan. Yumuko ito upang pumantay kay Pollo. "Pollo, do you want to come with me?"

Mula sa pagguguhit ay iniangat ni Pollo ang tingin sa nakatatandang kapatid. "Whewe awe you going?" Tanong nito na nagniningning na ang mata.

Ngumiti ng tipid si Oddy. "In my practice game."

Natuwa naman si Pollo at bigla itong napatayo sa pagkakaupo sa sahig saka nagtatalon-talon. "Yehey! I'll play basketball! Yehey! Yehey!"

Natawa ng mahina si Oddy at ginulo ang buhok ng kapatid. Siya nama'y pabalik-balik ang tingin sa kapatid ng nakakunot-noo.

Napatingin sa kaniya si Oddy at bigla siya nitong tinaasan ng kaliwang kilay na ikinamaang niya. Marunong pala itong magtaas ng kilay? Akala niya'y mga babae lang ang marunong no'n.

Tinaasan niya rin ito ng kilay. Hindi siya dapat papatalo. "Nagmumurahan kayo 'no?" Naniningkit ang matang tanong niya. "Pati bata tinuturuan niyo ng ganyan. Ang bata-bata pa kaya ni Pollo!"

Iningusan siya ni Oddy. "Tss. Stupid." Pabulong nitong anas ngunit hindi nakaligtas sa tainga niya. Bigla nitong binuhat si Pollo. "Come on, paliliguan kita." Anito sa kapatid, ibinaba ang bag sa kama at pumasok na sa palikuran.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now