Chapter Fourty-Seven

437 43 0
                                    


Tahimik na naglalakad si Oddy papasok sa bahay ng mga Taranza. Maraming mga bisita ang nakikiramay at ang lahat ay naka-itim ang suot na damit.

Pinigilan niya ang sariling maluha nang makita ang litrato ng kaibigang nasawi. Naikuyom niya ang kamao nang hindi pa man sila nakakalapit sa ina ni Prick ay rinig na rinig na nila ang pagwawala nito.

Sumisinghot-singhot na kumapit sa kaniyang braso si Cate. Madiin ang kapit nito na tila ano mang oras ay bibigay na ang tuhod kaya't inalalayan niya ang kapatid.

Agad na lumapit si Phemie at Primo na bitbit si Pollo kay Beth na siyang ina ni Prick. Nagwawala ito sa bisig ng mga kaanak habang patuloy na binabanggit ang pangalan ng anak.

"Beth, nakikiramay kami." Malungkot na saad ni Phemie sa babae.

Nang makita ito ni Beth ay tumalim ang tingin nito sa kaniyang ama't ina. Nagtaas-baba ang dibdib nito at mas lalo pang tumalim ang tingin nang dumako sa kaniya ang mga mata nito. "Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Beth na agad na lumapit sa kaniya at pinagtutulak siya.

"T-tita, I'm here to---"

"Hindi ko kailangan ng pakikiramay mo! Dahil sayo nawala ang anak ko! Ni wala man lang katawan niya ang maililibing dahil sa nangyari! It's all your fault, Odyssues! Ikaw ang leader nila, sagutin mo dapat sila pero h-hinayaan mong mamatay ang anak ko! Walang hiya ka!" Hindi niya pinigilan si Beth na pinagsasampal na ang mukha niya at pinagsusuntok ang kaniyang dibdib. Naluluha niya lang itong pinagmasdan.

"I-i'm sorry, tita. I'm sorry." Paghinging paumanhin niya. Iyon lamang ang masasabi niya dahil kasalanan niya naman talaga.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito! Hindi ka na nahiya! Ikaw ang pumatay sa anak ko! Ikaw ang pumatay kay Jonas!" Tukoy nito sa ikalawang pangalan ni Prick. "Ikaw ang pumatay sa anak ko! Ikaw! Ikaw!"

Nakatingin lamang sa kanila ang mga bisita habang pinipigilan naman ng kamag-anak ni Beth ang pagpalo nito sa kaniya. Seryosong inilayo din siya ni Azriel dito at inupo sa hindi kalayuan. Narito rin kasi ang buong ZERO at ZECOND upang makiramay sa pagkamatay ni Prick. Ang lahat ay malungkot at tahimik maliban kay Beth na nagwawala.

"It's not your fault, Odyssues. Don't listen to her." Seryosong sabi ni Dion na nasa harapan niya. Katabi nito ang asawang si Adrienne na maarteng lumuluha.

Humagulgol si Cate na nasa kaniyang tabi. "W-why did he left us? Why is this happening? Kuya... Kuya Prick is a special friend to me. Why?" Niyakap naman ito ng inang si Phemie at pinasandal sa balikat nito.

Napahilamos siya sa mukha at itinukod ang magkabilang siko sa hita bago tinakpan ang mukha ng sariling mga kamay. Nag-umpisa na rin siyang humagulgol habang inuusal ang pangalan ni Prick. Kasalanan niya. Kasalanan na naman niya. Namatay si Johan dahil sa kaniya at namatay din si Prick dahil sa kaniya. Kasalanan niya ang lahat.

May malambot na kamay ang bigla na lamang humawak sa mga kamay niya at tinanggal iyon sa pagkakatakip sa mukha niya. Bumungad sa kaniya ang lumuluha at nag-aalalang si Talya, medyo nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito at napapansin niyang nangangayayat na rin ang dalaga. Ilang araw niya rin kasi itong hindi kinibo dahil ayaw niyang kaawaan siya ng nobya.

Hinawakan ni Talya ng mahigpit ang mga kamay niya at kinintilan ng halik. "Magiging maayos din ang lahat. Pakatatag ka, please. Mahal na mahal kita." Mahina at halos pabulong ng saad ni Talya sa kaniya.

Nag-iwas siya ng tingin dito. Nag-igting ang kaniyang mga panga at hindi alam ang sasabihin kaya't hindi niya na naman ito kinibo.

"P-pansinin mo naman ako, please. Kailangan din kita, Oddy..." Pabulong na anas ni Talya na tila pagod na pagod na.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon