Chapter Fourty-Six

373 38 4
                                    


Nagising si Oddy nang maramdaman ang malamig na tubig na ibinuhos sa kaniyang katawan. Nang imulat niya ang mga mata'y nakapalibot sa kaniya ang iilang mga lalaking may malalaki ang katawan.

"One!"

Agad siyang tumingin sa gilid nang marinig ang pamilyar na tinig. Nakita niya si Prick na nakagapos ang dalawang kamay sa tali gayon din ang mga paa habang nakatayo. Nang tignan niya rin ang sitwasyon niya, nakagapos din siya katulad nito.

"Who are you?! Who the fuck tied me here?!" Sigaw niya at unti-unting nagsalubong ang mga kilay.

Inalala niya ang nangyari bago siya magapos doon. Kasama niya si Prick na namimili ng magandang bulaklak para kay Talya, graduation na kasi ng dalaga at kailangan niyang surpresahin ito upang mawala na ang pagtatampo. Nang lumabas sila ay hinarangan sila ng mga lalaking may malalaking katawan. Dahil sa dami ay nahirapan silang lumaban hanggang sa makuha sila ng mga ito.

Nagsiyukuan ang mga lalaki at tumabi nang dumaan sa gitna ang isang matandang lalaki. May hawak itong tungkod at mahina-hina ng maglakad ngunit naroon naman ang madilim nitong awra kahit matanda na.

"Who are you?" Madilim ang mukhang tanong niya dito.

Ngumisi ang matanda. "Your father didn't tell you about me? I know you know me already, boy."

Nainis naman siya sa tinawag nito sa kaniya ngunit hindi siya nagpahalata. "What do you want, old man?" Bawi niya ring asar at nakita niya naman ang unti-unti pagwala ng ngisi sa labi nito, napalitan iyon ng inis.

"Your parents didn't teach you well. Pinalaki kang bastos sa matatanda." Inis nitong sabi.

"I'm not. Binabalik ko lang kung anong pinapakita mo." Ngumisi siya upang mas asarin pa ito.

"Rude ha? I like it." Bumalik ang kurba ng ngisi sa labi ng matanda.

"What really do you want, old man?" Paghilis niya dahil naiinip na siya sa katatayo doon. Namamawis na rin ang katawan niya sa init, nakapolo pa naman siya para mas gwapo sa paningin ni Talya.

"Let me introduce myself to you first, I'm Pronto Grayson."

Umingos siya at tamad na tinignan ito. "And?"

Imbis na mainsulto ang matanda ay nakangiti pa nito siyang pinagmasdan. "And you'll die here."

"Thanks for reminding me." Sarkastikong sagot niya.

Nakangiti pa rin si Pronto ngunit halata ng naiinis ito. May sinenyas ito sa isang lalaking nasa likuran niya bago niya narinig ang isang lagapak na tumama sa kaniyang likuran. Nagulat siya sa sakit at hapdi, naikagat niya ang dila upang hindi makasigaw.

"One!" Alalang sigaw ni Prick. "Fuck you, old---"

"Eight..." Pigil niya sa sasabihin pa ni Prick.

"Don't mock me, kid. Ito ang mangyayari sayo kapag inulit mo pa." Ani Pronto.

Mahina siyang natawa dahil sa sinabi nito. "Revenge eh?" Mapang-uyam siyang ngumisi. "Too bad, I'm not hurting at all." Mayabang niyang sabi dito.

Muli siyang nakaramdam ng hapdi at sakit sa likod nang hampasin muli siya ng lubid. Tatlong beses iyon ngunit hindi niya hinayaang umalpas ang sakit sa kaniyang mga bibig.

"Take my wrath, son of Primo Beau Vladmir."

"So this is your oh-so-called-wrath? Damn, matanda ka na nga. You're not thinking." Pang-aasar niya na muling nakatikim ng isa pang lagapak at nakagat niya na ang ibabang labi.

"I'm not yet done, kid. Your father will be here and guess what?" Hindi na nabura pa ang ngisi sa labi ni Pronto. "I planted a bomb inside this warehouse. We're all gonna die here."

Stupid SpecieWo Geschichten leben. Entdecke jetzt