Chapter Thirty-Eight

369 39 0
                                    


Gabi na nang makauwi si Oddy sa kanilang bahay. Galing siyang eskwelahan. Kataka-taka ngang hindi niya nakita si Talya. Nag-uumpisa na tuloy siyang mangulila sa dalaga.

Nag-unat-unat na muna siya at tutuloy na sana sa kaniyang kwarto nang magulat siya nang bigla na lamang bumukas ang pintuang nasa gilid niya.

Malakas ang pagkakabukas niyon at tila pinuwersa. Bumungad sa kaniya ang mukha ng kaniyang ama na nag-aalala habang ang telepono nito ay nasa kanang tainga.

"Okay, okay. We'll be there. Just fucking wait for me!" Anito sa kausap saka binabaan ng tawag. Agad naman din siyang namataan ng ama.

"Dad, what is it?" Takang tanong niya.

Napahinga ng malalim si Primo. "Stay here, Odyssues. Take care of your mother and siblings while I'm not around."

Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay sa tinuran nito. Bahagya rin siyang kinutuban ng masama. "Where are you going, dad?"

"To your uncle Kylo. He badly needs us right now."

"What happened?"

"Talya..." Saglit na huminto si Primo upang tignan ang kaniyang reaksyon. Nagpantig naman ang tainga niya at mas lalong na-curious. "Talya is kidnapped."

Mabilis na nagpapalit-palit ang kaniyang emosyon. Bumilis din ang pintig ng kaniyang puso. "Who kidnapped her?! Do you have a lead?! Sino, dad?! I need to---"

"No. Just stay here. Iyon lang ang maitutulong mo." Putol ni Primo sa kaniyang sasabihin pa sana.

"But, dad---"

"No buts, Odyssues Eagan. Just stay here." Pinal na saad ni Primo saka siya nagmamadaling tinalikuran.

Kilala niya ang kaniya ama, kapag sinabi nitong hindi ay hindi. Walang dapat na lumabag dito dahil para sa kaligtasan naman nila nakasalalay ang lahat ng desisyon nito.

Inis siyang napasabunot sa sarili. Nag-aalala siya! Hindi siya pwedeng umupo na lamang at maghintay! Kailangan niya ring gumawa ng paraan!

'Damn, Talya. Please, don't get hurt. Please, don't let them touch you.'

Hindi nakatiis na kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. Ngayon ay lalabagin niya muna ang kaniya ama.

"Let's have a meeting in our house, asap."

***

Inis na hinampas ni Primo ang lamesang nakapagitan sa kanila ni Kylo, matalim din ang titig niya dito.

"What the hell are you thinking?! Why did you lied to me?!" Galit niyang sigaw dito na halos mag-echo sa buong silid.

"W-woah! Chill ka lang, Prim! Masyado kang high blood!" Ani Dion na prenteng nakaupo sa mahabang sopa.

"Gayahin niyo ako, may anak na pero gwapo pa rin." Saad naman ni Kenji na nagtataas-baba ang kilay.

"Putya, saan banda?" Sabat naman ni Lyncoln na natatawa.

"Pwede ba? Pakinggan muna natin si Primo hindi yung sisingit kayo diyan." Seryosong saad naman ni Baxter.

Sinuntok naman ni Azriel si Baxter sa braso. "Naks! Nagseseryoso!"

Ngumiti naman si Baxter na parang kinikilig. "Syempre! Nagbabagong buhay na ako para sa baby babes ko!"

Umingos si Macon. "Tss. Pero yung mukha mo, wala pa ring pinagbago."

Malakas na natawa naman si Jaxon habang turo-turo si Baxter. "Ano ba namang mukha yan? Hahaha!"

Si Luther naman ay napakamot na lang sa ulo dahil sa kakulitan ng mga kasama. Sa isip-isip nito'y malamang na namiss lang nila ang isa't isa. Minsan na lang din kasi silang magtagpo-tagpo dito sa ZHQB1.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon