Chapter Thirty-Three

369 42 5
                                    


Kitang-kita ni Talya ang kumpulan ng mga estudyante sa bulletin board. Nagtaka siya kung anong meron doon.

"Na-check mo na yung sayo, unnie?" Tanong ni Cate na katabi lamang niya. Nakasabay niya ito kanina sa pagpasok.

"Anong na-check?"

"Duh? Yung results."

"DNA Test ba ulit?" Tanong niya.

"What the fork, unnie? Results sa exam yun. Halika, let's check your average!" Hinila siya ni Cate patungo sa kumpulan mga estudyante.

Hindi pa man siya nakakalapit, rinig na rinig na niya ang hindi makapaniwalang singhapan ng mga ito na tila isang surpresa ang nakita. Ang iba ay natutuwa ngunit kadalasan ay bagsak ang balikat lalong-lalo na pag umaangat ang tingin sa nasa pinakaunahan.

"Is it really true?"

"Where's mine?"

"WTH?! Is this some kind of a joke?!"

"Imposible to!"

"I can't believe this!"

"Omo! I passed!"

Nakipagsiksikan sila dito. Agad niya naman hinanap ang kaniyang pangalan sa ibaba. Naniningkit pa ang kaniyang mata habang hinahanap muna ang section nila.

"Oh my!" Malakas na suminghap si Cate at bigla na lamang niyugyog ang kaniyang balikat.

"Ano ba, Cate? Naghahanap ako eh!" Nakangusong reklamo niya.

"Oh sheez! Look, unnie! Nahanap ko na kasi yung name mo!"

Agad siyang nag-angat ng tingin. "Saan?"

"There!" Nanlalaki ang matang itinuro ni Cate ang itaas kaya't napatingin din siya doon.

Namilog ang kaniyang mga mata at malakas na napasinghap. Tinakpan rin niya ng kamay ang kaniyang bibig dahil nakanganga iyon. "What the actual fuck?" Naiusal na lamang niya ng hindi sinasadya.

Ang pangalan niya. Ang pangalan niya ay nasa second place. Ang average score niya ay 99.4 habang ang first place na si Maia Sendai ay 99.5, kaunti na lang at malapit na silang magpantay.

"Congratulations, unnie!" Ani Cate at bigla na lamang siyang niyakap. "I didn't know that you're this smart! Ngayon ko lang nalaman na bobita ka lang pala in english but not in the other subject! OH MY!" Nagtatalon-talon ito sa tuwa na animo'y ito ang nasa second place.

Lumibot ang tingin niya sa mga estudyante doon. Hindi na siya sinasamaan ng tingin ng mga ito pero makikita naman sa mata na hindi rin ito makapaniwala sa nangyari. Ano bang malay niya? Nakikinig lang naman kasi siya ng mabuti sa klase.

"And because you're in the second place, let's celebrate later, okay?"

Napakurap naman siya sa sinabi ni Cate. Kailangan pa ba iyon? "S-saan naman?"

"Basta later." Kinindatan siya nito.

Nagpaalam na si Cate sa kaniya dahil masungit daw ang guro sa first class nito ngayon. Siya nama'y absent ang guro sa pinakaunang klase kaya't naisipan na muna niyang maglibot.

Sa kakalakad ay napunta siya sa court. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay rinig na rinig na niya ang malakas na boses ng coach ng basketball team na si Baxter.

"Oh Kiera kong nilalangit
Nilalangaw pati puwit
Sa ganda mo ako'y samba
Sa utot mo ako'y tumba."

"Shit, Mr. Hudson! Stop!"

"Kung sa langit ika'y tala
Dito sa lupa ika'y tekla
Buhok mong paalon-alon
Kuto mo'y patalon-talon."

"Ano ba?!"

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now