Chapter Twenty-Four

443 44 12
                                    


Kasalukuyang nasa backseat si Talya katabi si Oddy na tahimik lamang at tila malalim ang iniisip.

Hindi na sila nagbigay pa ng impormasyon sa mga pulis dahil maaaring madamay si Kylo at Cevin na nakipaglaban sa mga armadong lalaki. Hinayaan nilang isang malaking pala-isipan sa mga ito ang nangyari. Napakiusapan din nila ang mga tao nasangkot sa gulo na wag ng ilabas pa ang kung anong nakita na agad naman ding pumayag sa takot na masangsakot muli sa gulo.

Nakasunod sa kanila ang isa pang kotse kung saan nakasakay ang mag-ama na pinalilibutan din ng iba pang mga sasakyan sakay ng mga men in black na guwardiya ng mga ito.

Si Teo naman ay nauna na sa kanila at sumakay ng bus dahil wala naman itong sariling kotse dahil sa kahirapan. Hindi naman kasi ganoon kayaman si Teo eh.

Mabilis na bumaba si Oddy sa kotse nang narating na nila ang mansyon. Padabog nitong isinara ang pintuan ng kotse at napapikit na lang siya sa lakas ng impact niyon. Hindi niya alam kung saan ito nagagalit at wala na siyang balak pang alamin dahil natatakot siyang madamay pa siya sa galit nito.

Bumaba na rin siya sa kotse at sumunod papasok. Pumunta sila sa living room at doon nila nakita si Primo at Phemie na may seryosong mukha kasama si Cate. Si Pollo naman ay maaring natutulog ngayon.

"Hey." Bungad ni Kylo sa dalawa.

Ang mga men in black nito ay nanatili sa gilid malayo sa kanila upang hindi marinig ang kanilang pag-uusapan.

Tumabi siya kay Cate at naupo naman si Oddy sa tabi rin ni Cate sa kabila kaya napapagitnaan nilang dalawa si Cate. Si Phemie at Primo naman ay magkatabi habang sa harap ng dalawa naupo ang mag-amang si Cevin at Kylo.

"What is this, Grayson? Bakit kayo sinugod ng mga aso ng Tienzo?" Bagama't hindi sumisigaw ngunit madidiin naman ang bawat katagang inilalabas ni Primo kay Kylo.

Binasa ni Kylo ang ibabang labi gamit ang dila matapos ay dumaan ang tingin sa kanilang tatlo bago ibinalik ang tingin kay Primo. "We can talk about this in private, Vladimir."

Seryoso ang mukhang tumayo si Primo. "Follow me then." Anito at nag-umpisa ng maglakad patungo sa opisina nito.

Naiwan naman si Cevin kasama nila. Napakamot na lamang ng ulo si Phemie. "Hi, I'm names Phemie Montinez-Vladimir. You, your names what?"

"Cevinier Thomas Grayson, ma'am." Sagot ni Cevin na blangko pa rin ang mukha.

Napasinghap si Phemie. "Anak ka ni Kylo?!" Tumango ang lalaki. "Pero paano?!"

Napaikot ang mata ni Cate na nasa tabi niya. "Really, mom? You'll ask him how? Syempre nag-anuhan yung mga magulang niya kaya siya nabuo."

"Yun nga! Wala namang asawa si Kylo kaya sino ang makakant---"

"MOM!" Sabay na sigaw ni Oddy at Cate dito.

Inosente naman siyang napatingin sa dalawa dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit kailangang sumigaw?

"Ang OA niyo! Makakantoots lang naman ang sasabihin ko!" Reklamo ni Phemie sa anak.

"Seriously, mom?" Ani Cate.

"Tss." Tanging naturan naman ni Oddy.

Nang tinignan niya si Cevin ay nakita niyang umangat ng kaunti ang gilid ng labi nito na agad ding nawala nang mapansing nakatingin siya dito.

Binalingan ni Phemie si Cevin at ngumiti. "Pasensya ka na ha? Pasaway kasi itong mga anak ko eh." Napasimangot naman ang dalawa sa sinabi ni Phemie. "Sino pala ang mama mo kung ganoon? Bakit hindi ka pinakilala samin ni Kylo?"

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now