Chapter Seven

468 61 6
                                    


Tatlong araw na ang nakalipas at sa dalawang araw ay nasa bahay lang silang dalawa ni Pollo dahil naging busy na rin si Oddy habang panay naman ang labas ni Cate kasama ang kasing arte nitong mga kaibigan.

Sa dalawang araw din na iyon ay naging close niya si Pollo at bagama't hindi niya masyadong naiintindihan minsan ang tagalog nito ay pilit na lang niyang iniintindi. Alam niya kasing nasanay ang bata sa salitang ingles at nahihirapan pa ang dila sa pagsasalita ng tagalog.

Ngayon ay narito sila sa labas at inaabangan ang sasakyan ng papauwing si Phemie at Primo. Buhat niya si Pollo habang wala naman ang dalawang nakatatandang kapatid nito. Nasa tabi nila ang iilang nga katulong na nag-aabang din sa pagbabalik ng mag-asawa.

Namataan nila ang kulay puting kotse na huminto sa tapat nila. Naunang bumaba si Primo at pinagbuksan ng pintuan ang asawang si Phemie.

"Pollo!" Mabilis na tinakbo ni Phemie ang pagitan nila ng anak na si Pollo. Kinuha nito sa bisig niya ang bata at niyakap ng mahigpit. "Na-miss kita, Pollo. Na-miss mo ba si mommy?" Malaki ang ngiting tanong ni Phemie sa anak.

Humalik si Pollo sa pisngi ni Phemie ng tatlong beses. "I missed you too, mommy."

Lumapit si Primo at inakbayan ang asawa matapos ay kinurot ang pisngi ni Pollo. "How about daddy? Do you missed me too?"

"Of course, daddy." Gaya ng ginawa ni Pollo kay Phemie ay humalik din ito sa ama.

Napapangiti siyang tinignan ang mga ito bagama't hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ng nga ito basta ang alam niya lang ay kitang-kita niya ang kislap ng mata ng mga ito sa pananabik sa isa't isa.

Napatingin sa kaniya si Phemie matapos ay mabilis na ibinigay si Pollo kay Primo at lumapit sa kaniya upang yakapin. "Talya!" Natutuwa nitong sabi matapos ay kumalas. "Kumusta? Hindi ka ba nahirapan sa pagbabantay kay Pollo?"

Nakangiting umiling siya. "Hindi naman, boss. Sanay na ako sa mga kakulitan ng bata." Lumibot ang tigin niya saka tumikhim. "Eh boss, nasaan yung pasalubong ko?"

Lumapit din sa kanila si Primo. "Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Pumasok na muna tayo sa loob." Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos.

Pumasok sila sa dining room dahil nagpahanda ng sangkatutak na pagkain ang mga katulong para sa pag-uwi ng mag-asawa. Tiyak titiba-tiba na naman ang tiyan niya dahil sa dami ng kaniyang makakain.

Kasalukuyang sinusubuan ni Phemie si Pollo habang ang katabi naman nitong si Primo ay pana'y ang halik sa ulo ng asawa matapos ay susubo ng makakain.

Siya naman ay tila isang patay gutom kung lumamon. Gutom na gutom na kasi siya. Hindi siya hinayaang patikimin man lang nga mga katulong na utos ni Clara dahil para daw ito sa mag-asawa.

"Talya," Naagaw ng atensyon niya ang pagtawag sa kaniya ni Primo. "We decided---ehem! Napagdesisyunan namin na ipasok ka sa paaralan."

"Paaralan?" Tanong niya na punong-puno ng pagkain ang bibig.

Napaisip siya. Nakapasok naman siya sa paaralan noong may trabaho pa ang tiyo Hulyo niya na asawa ng tiya Homeng niya. Iyon nga lang ay hanggang ika-tatlong baitang lamang iyon sa elementarya dahil masyado daw siyang aksaya sa pera. Sa murang edad ay pinagtatrabaho na siya ng mga ito katulad na lang ng panlilimos sa kalsada.

"Oo, Talya. Hahanapan ka namin ng tutor mo para magturo sayo nang sa ganoon ay maipasok kita sa high school." Sagot muli ni Primo.

Kinuha niya ang mangkok at hinigop ang sabaw. Hindi na siya gumamit ng kutsara dahil nauuhaw na siya. Kailangan niya ng sabaw. "Ang alam ko kailangan pa yun ng burn cerficate?"

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now