Chapter Twenty-Three

408 42 5
                                    


Nakatitig lamang si Talya sa lalaking kaniyang kaharap na may berdeng mga mata na kapareho ng kaniyang mata. Sa tingin niya ay kaedad lamang ito ni Levi.

Blangko lamang ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip nito. Hindi niya mawari kung anong reaksyon nito patungkol sa kanilang mga mata.

Umiwas ng tingin sa kaniya ang lalaki at bumaling sa lalaking nasa likuran niya. "Dad, we need to hurry."

Doon niya lamang ito naalala kaya't muli siyang napaharap dito ngunit magpasa-hanggang ngayon ay tulala pa rin nito siyang tinignan na tila nangungulila.

"Cresha..." Napangiwi siya nang muling marinig ang pangalan na iyon sa bibig ng lalaki.

Napahinga siya ng malalim. "Hindi po Cresha ang pangalan ko. Caoilfhoinn po. Ito oh." Ipinakita niya pa ang kwintas na kahoy kung saan nakaukit ang kaniyang pangalan.

Mula sa kaniyang mukha ay bumaba ang mata nito sa kaniyang leeg kung saan nakalagay ang kwintas. Nakita niya kung paano umawang ang labi nito at tila nabato sa kinatatayuan.

"Dad, they're here. We need to hurry." Sabi ng lalaking may berdeng mga mata at nilapitan na ang lalaking may katandaan na.

"B-but I---"

Sabay-sabay silang napalingon nang biglang may nagpaulan ng bala sa labas. Agad na may humila sa kaniya padapa upang hindi siya tamaan ng mga balang iyon.

"Talya! Talya!" Naririnig niya ang sigaw ni Teo na nangunguna sa pagsisigawan ng mga tao.

Napuno ng sigawan, hiyawan at takbuhan ang buong mall. Hindi na mawari kung saan dadaanan at kung may dadaanan pa nga ba. Ang iba ay nababaril dahil sa panic.

"Tsk!" Agad siyang hinila ng lalaking may berdeng mata sa isang lamesa na itinaob nito upang hindi siya tamaan matapos ay naglabas ito ng baril na nasa tagiliran nito.

Nanlaki naman ang mata niya habang nakatingin sa baril. "Bakit may baril---" Hindi niya natapos ang sasabihin nang hawakan nito ang braso niya at tignan siya sa mata.

"Listen, lady, wait for me here. Wag kang aalis dito, naiintindihan mo ba?" Blangko ang mukhang pahayag nito.

Nagtataka naman niya itong tinignan. "P-pero ang daddy mo---"

"Don't worry about him. He's safe." Anito.

Saka lamang niya naintindihan ang sinasabi nito nang makita ang daddy nito na pinalilibutan ng maraming men in black na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Lumunok na lang siya at tumango dito. Hinuling sulyap na muna siya nito bago iwan upang makipagbarilan din sa bumabaril sa kanila.

Hinanap ng kaniyang mata si Teo. Sa totoo lang ay nanginginig na siya sa takot. Oo, malakas siya. Pisikal ang lakas niya pero ibang usapan na ang baril. Hindi niya kayang humawak niyon lalo na ang mabaril. Kailangan niyang ingatan ang sarili.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya na nasa kaniyang bulsa. Nanginginig na kinuha niya iyon at agad na sinagot ang tawag kahit na hindi niya alam kung sino ang caller.

[Why are yo---what the hell?! What's that noise?! Is that a gunshot?!]

"S-sino ka? Pulis ka ba? Tulungan mo kami dito! Pinapaulanan kami ng bala ng baril!" Aniya habang kinakagat ang labi.

[Where the fucking hell are you, Talya?! Tell me where you are?!]

"Sa mall!" Sinabi niya dito kung saang mall siya naroon bago ibinaba ang tawag.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Salamat naman at may darating ng mga pulis. Masasagip na sila dito.

"T-tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ng isang matandang babae na may tama ng bala sa binti.

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon