Chapter Fifteen

418 41 0
                                    


Lumabas si Oddy ng ZHQB2 o ZERO Head Quarters Base 2. Nakasalubong niya pa ang ZECOND sa kaniyang paglabas at nagulat pa ang mga ito nang makita siya.

"Akala ko ba nasa court ka, cap?" Namumutlang saad ni Harry.

Mabilis itinago ng mga ito si Lark sa mga malalapad nitong katawan maliban kay Hugo, Gavin, Vane, Dane at Rei.

Nangunot ang noo niya. "What were you hiding? Garcia, come here." Tawag niya kay Lark.

"Hindi na, cap. Natatae na 'yang si Lark eh." Sabat ni Kiko sabay tingin kay Lark. "Diba, Lark?"

Blangko ang mukhang namulsa siya. Base sa nakita niyang panlalaki ng mata ni Kiko kay Lark, alam niyang may itinatago ang mga ito.

"Nine." Tawag niya kay Lark dahilan para mabaling ang tingin nito sa kaniya. "What is it?"

"Hayaan mo na kami." Ani Zach. Malaki ang pagkakangiti nito na tila ba good mood.

"Montinez." Tawag niya sa pinsang si Gav nang hindi na pinansin si Zach.

Tumingin sa kaniyang mata si Gav. As usual, malamig na naman ang mga tingin nito. Kulang na lang ay magyelo siya sa kinatatayuan ngunit dahil siya si One ay hindi mangyayari iyon. "Mag-iinuman lang kami." Sagot nito.

"Bakit mo sinabi? Ugok ka talaga!" Bagsak ang balikat na reklamo ni Owen na agad natahimik nang tignan niya ito ng matalim.

Tumawa si Prick. "Akala kasi namin, sasamahan mo pa yung girlfriend mo hanggang uwian kaya naisip naming mag-inuman."

"Tss. She's not my girlfriend." Tamad niyang sagot. Kaya niya lang naman nasamahan kanina si Cherry ay dahil siya ang naging tour guide nito. Hindi man niya gusto ngunit iyon ang inutos sa kaniya ni Niko, ang panganay na anak ng ninang at ninong niyang si Niah at Jaxon.

"Eh si Talya, cap? Hindi mo naman fiancee diba?" Tanong ni Rei na nagliliwanag ang mukha sa tuwa.

Bigla naman siyang nainis. Hindi niya nagugustuhan ang ngiting nakaplastar sa mukha nito. "She is." Sagot niya nang hindi namamalayan.

Nagulat naman ang mga kasama niya, kahit siya ay nagulat. Bigla na lamang lumabas sa kaniyang bibig ang katagang iyon.

Tumikhim siya. "I'll allow you to drink alcohol but..." Sinadya niyang bitinin ang sasabihin.

Tila naging interesado naman ang lahat at nagsilapitan sa kaniya. "But?" Interesadong tanong ni Vane.

Bago pa man siya makasagot ay nagtaas ng kamay si Dane. "Papatayin mo ba kami, cap?" Nakangusong tanong nito.

"What?"

"Sabi mo kasi paiinumin mo kami ng alcohol. Anong lasa no'n? Baka isang patak lang, patay na ako." Walang muwang na sagot pa nito.

Napahinga na lang siya ng malalim. Hindi niya talaga akalaing nasali sa grupo niya ang isang napaka-inosente. Sa sobrang inosente, gusto na niyang iumpog sa pader ang ulo.

Inakbayan ni Owen si Dane. "Wag ka ng maraming tanong, bata." Anito at ginulo pa ang buhok ni Dane na nakanguso pa rin.

"Baka pwede niyo akong tulungan? Ang bigat na oh!" Reklamo ni Lark habang bitbit ang isang case ng alak.

"Wala ka talagang utak!" Ani Kiko at binatukan ito.

"Pakyu ka! May utak ako!"

"Kung may utak ka, sana binaba mo 'yan diba?!"

Muli siyang tumikhim upang bumaling sa kaniya ang tingin ng mga ito. Ang sasakit talaga sa ulo ng mga ito. Mabuti na lang at nakaya niya itong pakisamahan sa loob ng ilang taon.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now